Coincidence

4 0 0
                                    


"Julie, punta ka ha." sabi sa akin ni Cindy. Birthday kasi ng boyfriend niya bukas. Pangatlong 

boyfriend niya na ata yun. Sabi niya this time true love na daw niya to.

"O sige na, pupunta na ako. Send mo na lang sa akin yung address."

"Yun oh. Thanks talaga Julie. Medyo nahihiya pa kasi ako eh. Nandoon kasi parents niya. Bukas pa lang nila makikilala ang face ko." masaya niyang sabi.

"O sige na. May gagawin pa ako."

"Sige bye na Julie."

At binaba na niya yung tawag.

Ilang taon na rin kaming magkaibigan ni Cindy. Simula pa highschool magkasama na kami. Tatlo kaming magkaibigan, ako, si Marie, at si Cindy.

Close na close kaming tatlo. Iisipin mo nga na magkapatid kaming tatlo eh.

Napasingal na lang ako. Ano nga uli pangalan nung bago niya? Martin ba yun? Ah basta bukas ko malalaman.

Kinabukasan ay naghanda na ako. Nagbihis ako ng isang puting dress na may floral design at high heels na kulay puti.

Sumakay ako sa kotse ng kapatid ko at bumyahe na kami papunta sa address na sinabi sa akin ni Cindy.

Mga ilang oras din na byahe ang inupuan ko bago ako nakarating sa venue. Ang lawak ng lugar. Open area.

"O ate alis na ako ah. Tawagan mo na lang ako pag-uuwi ka na." sabi ng kapatid ko at umalis na siya.

Pumasok ako sa venue. Hinaharang ako nung guard at hiningan ako ng invitation card. Putcha hindi nagbigay yung babae na yun ah.

"Um..kuya ano po kasi eh.." hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Cindy. Ilang minuto rin akong naghintay bago siya lumabas sa venue at sinabihan si kuya guard na papasukin ako.

"Sorry, nawala sa isip ko na ganito pala set-up yung plano nila."

Pinanlisikan ko lang siya ng mata at tumawa naman siya.

Iniwan niya muna ako sa isang sulok kasi may kakausapin lang daw siya. Mula sa pwesto ko kita ko ang lahat ng papasok.

Lahat sila naka-formal attire at may isang umagaw ng pansin ko. Nagulat ako nang ma-realise ko kung sino yun.

Hindi ako makagalaw. Nandito siya ngayon sa akin harapan. Ang nag-iisang lalaking minahal ko nang sobrang, pero iniwan lang ako at nawala na parang bula.

Nakasuot siya ng polo at pantalon. Napakalayo sa pagkakakilala ko sa kanya noon. Simpleng short at white t-shirt lang ay sapat na dati sa kanya.

Nagkatinginan kami. Ngumiti siya sa akin. Parang walang nangyari sa amin dati. Parang di naging kami dati.

Nakipagkamay siya sa mga tao bago lumapit sa akin.

"Kamusta na." nakangiting sabi niya. Maputi na ang ngipin niya. Dati kasi ay hindi niya ito inaatupag. Nakaayos na rin ang buhok niya. Slick back na.

"Ayos lang. Ikaw?" pilit akong ngumiti kahit medyo nasasaktan ako. Oo masakit pa rin sa akin yun, kahit na limang taon na ang lumipas.

"Ito ayos lang din. Medyo nagbago lang ng onti sa pananamit." halos di na makita ang mata niya. Singkit kasi siya, kaya kapag ngumingiti siya ay parang bula na nawawala yung mga mata niya.

"Oy, andito ka na pala." biglang bati sa kanya ng isa sa mga naging kaibigan namin -- si Tando. Tinapik siya nito sa balikat bago nagtoon ng tingin sa akin.

"Nagkita na pala kayo. O ano may spark pa ba?" pilyong tanong niya sa aming dalawa.

"Hoy, itigil mo nga yan." hinila siya ng isang babae -- si Marie, asawa niya.

Kaibigan ko si Marie. Alam niya kung gaano ako nalugmok sa kalungkutan nang naghiwalay kami.

"Ito naman biro lang. Tsaka may fiance na 'tong si Bobong eh." nakaramdam ako ng kirot sa puso nang narinig ko sinabi ni Tando.

"Tara na nga." sabi ni Marie kay Tando. "Pagpasensyahan mo na tong si Tando ah. Medyo madulas kasi ang dila nito eh." sabi niya sa akin na sinagot ko lang ng isang ngiti.

Nagkatinginan uli kami ni Bobong. Palayaw niya lang yung Bobong. Dati kasi umakyat siya ng bubong at nadulas siya at nahulog. Nabalian siya ng braso noon. Simula noon Bobong na tawag sa kanya.

"Um..so engaged ka na pala." tanong ko. Tumango lang siya. Nararamdaman ko na naman ang kirot sa puso ko.

Wala na kaming mapag-usapan. Nakatingin na lang ako sa sahig. Bigla akong may naalala.

"Teka bakit ka nga pala nandito?" gulat na tanong ko sa kanya.

Nanlaki yung singkit niyang mata at ngumiti. "Di ba nasabi sa'yo ni Cindy? Katrabaho ko si Martin. Nagulat nga ako nung nalaman ko na si Cindy pala yung girlfriend niya. Bigla tuloy kitang naalala."

Medyo kinilig ako sa sinabi niya. Naalala niya ako. After five years, wala akong ginawa kundi sumpain siya. Bigla niya na lang kasi akong iniwan. Nagmakaawa pa ako sa kanya nun, pero wala.

Biglaang may tumapik sa kanyang babae at kinausap siya.

"Uy Bob sorry ah. Yung driver ko kasi hindi pamilyar sa lugar na to, kaya medyo naligaw kami." mahinhin na sabi niya.

"Ano ka ba ayos lang yun. Di pa naman nagsisimula yung party eh." ang lawak ng ngiti niya.

Napatingin sa akin yung babae. Parang tinatanong niya kung sino ako.

"Ah, ako nga pala si Julie." pagpapakilala ko.

"Oh, your Julie. Bob has talked about you before. Your classmates in high school right?" inglesiyera pala tong babae na to.

"Oh, where are my manners. I'm Christine. I'm Bob's fiance."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ito pala yung fiance niya. Maganda siya. Mas maganda pa sa akin. Parang nanliliit tuloy ako.

"Sige Julie, dito na kami. Nice seeing you again." sabi ni Bob.

Masakit. Sobrang sakit. Five years na ang lumipas pero nasasaktan pa rin ako. Gusto kong umalis na dito dahil sa tingin ko ay bubuhos na ang mga luha ko.

Naglakad ako papunta sa exit at nung papalabas na ako ay may humila sa akin.

"Bob?" nagulat ako. Hindi ko inaasahan na pipigilan niya ako.

"Aalis ka na lang. Hindi ka man lang ba magpapaalam kay Marie?"

"Magpapaalam. Magpaalam? Yan yung ginawa mo diba? Dalawang taong relasyon natin ay itinapon mo lang. Umalis ka pagkatapos mong wasakin ang puso ko. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na dapat akong magpaalam?" sumabog ako sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya bago ako tuluyang umalis.

Hindi ko na siya nilingon pa. Basta naglakad ako palabas ng gate, pumara ng sasakyan at agad na umalis.

CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon