T H I R T E E N

473 33 10
                                    






Someone who overthinks is also someone who overloves.



---*





Napansin ni Aleya ang pag-ngiti ni Gemini habang nakatingin sa phone nito.Hindi nya maiwasang magtaka, nakaupo na sila sa sala at nag-iinum pa rin silang dalawa. Inabot na nga sila ng gabi pero light beer lang naman ang iniinom nila kaya di sya tinatablan.






"Don't tell me nakipagbalikan kana?" nang-aasar na tanong nya. Napaismid ito sa kanya at pinakita ang pinapanood na video sa phone nito. Nawala ang ngiti nya ng mapanood ang video tapos may caption sa ibaba na 'kanino bang asawa to? Ang hot sumayaw.' pagtingin nya kung sino ang sender ay si Amber.






"Napakagaling talaga ni Cohen kapag nakainom...damn it." mura nya na ikinatawa ni Gemini.






Agad nyang hinanap ang phone nya,  pinasahan pala sya ni Amber ng video at sino pa kaya ang pinasahan nito? Talagang hindi sya tinitigilan ni Laxamana. Agad na sinagot ni Amber ang tawag nya."Where are you?" Ang ingay ng paligid nito."Andito kami sa party ng taga-department mo. Na-invite ang buong volleyball team. Ang akala ko kasi nasa hacienda ka pa kaya di na kita nasabihan." sigaw nito sa kabilang linya.






"Andyan pa ba si Cohen?" tanong nya na sobrang kunot ang noo. Sumasakit ang ulo nya sa nakita. Parang hindi sya naniniwala na asawa nya yung nagsasayaw sa video at napapalibutan ng mga babae.






"Yes.. kasama nya yung ibang kaklase nya, You didn't tell me na magaling sumayaw yun." she rolled her at her although wala ito sa harap nya. Nang sulyapan nya si Gemini ay mukhang pinapanood nito ulit ang video ni Cohen.






"Text me the address.."






"Stay where you are Zobel.. nag-eenjoy pako panoorin ang asawa mong sumasayaw habang may hawak na alak." tumatawang ani ni Amber. Base sa tono ng boses nito medyo lasing na ito.






"I'm not asking you again Laxamana.." seryosong ani nya na ikinatingin ni Gemini na halatang nagulat sa sinabi nya. She never used that tone to her friends. Kaya marahil nagulat din si Amber sa kabilang linya.






"Fine.I'll text you the address but I'm advising you to come faster.. Yung mga taga cheering squad na andito din sa party ay----" pinatay nya na ang tawag at inutusan ang bestfriend nya na umalis na sila.






___*___






Hinihingal na umupo si Cohen sa gitna ni Kim at Eric. Nilagyan ni kim ang baso nya at inubos nya agad ang laman nito kaya napatingin na sa kanya ang dalawa."May balak ka bang maglasing?" Si Eric na tinungga ang beer nito.






"Gusto ko lang mag-enjoy." sagot nya at kumuha ng chips at kumain. Ang daming tao sa house party na yun buti na lang sinama sya ni Eric at Kim na barkada ang birthday celebrant na taga Fine arts.






"Halata ngang nag-enjoy ka dude, nakipag-sayawan ka lang naman sa mga babaeng hindi mo kakilala." sarcastic na paalala sa kanya ni Kim na nilagyan ulit ng alak ang baso nya. Nahila kasi sya ng babaeng taga-cheerleading squad na hindi nya din kakilala. At nagulat na lang sya ng palibutan sya ng mga kasama nito.






Inabutan sya ni Eric ng beer ng matapos nila ni Kim ang hard drinks na iniinom nila."Wag ka magpakalasing at ayoko magbitbit ha." saway nito sa kanya na ikinailing nya na lang pero tinanggap nya ang boteng binigay nito. Nilapitan sya ulit ng babaeng taga-cheering squad na nag-aya sa kanya sumayaw. Tumayo naman sya pero sinamahan na sya ng dalawa. Pumunta sila sa gitna kung nasaan nagsasayaw ang iba.






St.Sebastian Series: Aleya ZobelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon