Chapter 3: Are we really fine?

4 3 0
                                    

June 2018

"Siena, may assignment ka sa math?" tanong ni Jen pagkatapos na pagkatapos ng flag ceremony.

"Talagang si Siena pa tinanong mo?" Sabat naman ni Marcus.

"Ahh hehe oo. Kayo ba?"

"Huhu masteeer!!! Pakopya!" Pag-mamakaawa ni Jen at yumuko-yuko pa.

"Eh first period natin yung math eh. Kaya nyo ba kopyahin solutions ko?"

"Oo naman!" ganadong sagot nya at nakailang ulit pang kumurap para magpacute.

"Haa..Okay. Wag lang kayong malate sa room"

Hinablot ni Jen ang assignment ko na kaagad namang sinundan ni Marcus sa canteen.

Sana nga lang hindi sila malate dahil pati ako ay baka mazero sa assignment.

On my way to our classroom, napagawi ako sa gate ng school. Same old scenarios, late comers, incomplete uniforms, improper hair cut are being reprimanded.

Once din akong nalate, at pinasulat pa kami ng apology letter. Our id were confiscated at pinasundo pa talaga kami sa adviser. Since then, I never wanted to experience being late again. The humiliation... I can't take it.

Mas lalong pumukaw ng atensyon ko ang isang lalaking kulay pula ang buhok. Bukod rito, harap-harapang naninigarilyo sa harap ng guard. May ilang piraso rin ng hikaw na nakakabit sa kanyang tenga. Wala syang necktie na suot at nakabukas ang butones ng kanyang uniporme. Kung bingo lang ang paglabag sa school violations tiyak na grand winner na sya.

Hindi ko napansing naging matagal ang pagdikit ng tingin ko sa kanya.

Kumunot ang noo nya nang mapansing nakatitig ako sa kanya. Muli pa syang bumuga ng usok.

Naputol ang pagtitigan namin ng pukpukin sya sa ulo ng guard ng kalendaryong nakarolyo.

Kaagad akong umiwas ng tingin. Mahirap na at baka madamay pa ako sa kanya.

"Mag-aaral ka ba o gangster? Umayos ka o ipapatawag ko magulang mo!" Rinig kong bulyaw ng guard.

"Edi! Ipatawag mo. Kalbo!" Rebut naman nya.

If I haven't looked at him that day. Kung hindi ko sana iniwan sila Jen at Marcus. Maybe my life will be much different.

Present

I shrugged any more ideas related to him. It's not like I remember everything. Masyadong malabo sa vision ko ang mga pangyayaring iyon.

A few days already passed when I entangled my life with Logan again. At walang araw na hindi nya ako nagawang bwisitan.

Damulag🍼
Siena~ Where r u?

Damulag🍼
Hello??

Damulag🍼
Stop ignoring me. Siena~

Damulag🍼
Siena~~~

I sighed out of frustration. Sino ba naman ang hindi maiinis when he's harassing you everyday. I still can't believe I was able to put off with his childishness.

Strawberry Milkshake🍓
I'm busy. Got a tutoring job.

Damulag🍼
Where???

Strawberry Milkshake 🍓
None of your biz.

Damulag🍼
Where???

ReplayWhere stories live. Discover now