KLEO
Busy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa apartment ko dito sa New York. Bukas na kasi ang flight ko pauwi ng Pilipinas. Pinapabalik na ako ng parents ko para i-manage ang isang kompanya namin na Kleothing. It's a clothing business na itinayo ni Mommy. Ipinangalan niya sa akin ang clothing business na ito dahil sa akin daw niya ipapamahala ang kompanya na ito balang araw. At ang araw na iyon ay dumating na. Gusto nila na ako na ang mamahala ng Kleothing. Ayoko sana tanggapin dahil maganda naman na ang trabaho ko dito sa New York bilang isang editorial assistant ng isang malaking publishing company. Mapo-promote na nga ako next month bilang Associate Editor pero I declined. My parents won't leave me alone 'till I get home to the Philippines.
Kaya naman I already say yes to them. Pagbalik ko ng Pilipinas ay magiging bagong CEO na ako ng Kleothing. Gusto na daw kasi ni Mommy na mabawasan ang mga hina-handle niya na kompanya kaya naman ipapasa na niya ang obligasyon sa akin bilang bagong CEO. Kleothing is one of the biggest clothing line in the Philippines. Kaya naman kailangan ko talaga husayan ang pagma-manage dahil pangalan ni Mommy ang nakataya.
"Talagang babalik ka na sa Pilipinas?" Malungkot na tanong ni Suzane. Isa sa mga kaibigan ko. She's also a Filipina pero nagpunta siya sa New York para mag-aral at dito na rin tumira for good.
I nodded. "Yeah, kailangan na. My parents won't stop if i didn't go home." Tanging sagot ko.
Tumango ito. "Sabagay, it's been ten years simula ng umalis ka ng Pilipinas right? And that's because of someone---" hindi na naituloy ang sasabihin dahil tinakpan ko na ang bibig niya. Ayoko pa rin talaga marinig ang pangalan niya 'till now.
"Please... ayoko muna marinig ang pangalan niya." pagmamakaawa ko kay Suzane.
Nagkibit-balikat lang ito. "Okay! Pero pagbalik mo ng Pilipinas hindi mo na siya maiiwaasan. Tandaan mo na family friend niyo ang pamilya nila. Kaya wala ka ng takas." Pang-aasar pa nito sa akin.
"Alam ko naman yon. I'm already prepared meeting him. Hindi naman na ako tulad ng dati. I'm not a nerd anymore." Pagmamalaki ko.
It's true. Simula ng pumunta ako ng US para mag-aral ay binago ko na ang lifestyle ko. Nagpa-lasic surgery ako para hindi na ako magsuot pa ng salamin. Ang dating maigsi kong buhok ay pinahaba ko na rin. I'm not the same girl that he met ten years ago. I grew into a fine woman.
"You're right. Marami na nga ang nagkakagusto sayo dito di ba? Even Sir Max na anak ng may-ari ng Phoenix Publishing Company ay naghahabol na sayo. What more if he sees you? Baka habulin ka din non." Pagmamalaki ni Suzane.
Malabong mangyari yon. From what I've heard ay isa na siyang sikat na artista sa Pilipinas. Sigurado na marami ang babaeng naghahabol sa kanya kaya malabo na mapansin niya ako.
"I don't know." Umiiling na sagot ko naman.
"Your self-esteem is getting low again. Cheer up girl! Prove them that you're not the same Kleo before. You can do it!" Pagpapalakas ng loob ni Suzane sa akin. Niyakap ko siya. Mami-miss ko siya. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa akin.
"Sumama ka na lang kaya sa akin? I will hire you to be my secretary." sabi ko sa kanya.
"I can't. Alam mo yan. I don't have a family there." Malungkot na sabi nito. Suzane left Philippines to start her new life in New York. Wala na siyang pamilya dahil namatay na ang mga ito.
I sigh. "Okay. Di bale, bibisita naman ako dito."
"Bago ka umalis, pwede mo ba ako samahan mag-bar hopping?" Tanong nito sa akin. Matagal na kasi niya ako niyaya na mag-bar hopping pero hindi ako pumapayag dahil hindi ako interesado. Minsan na ako nagpunta noon pero hindi ako natuwa. It's so noisy. I'm not into noisy places.
YOU ARE READING
BRFORE I LOVE YOU
RomanceKleo Josephine Sandoval, kilala bilang isang nerd noong nasa highschool pa siya. May best friend siya na isang sikat na basketball player sa school nila, si Max Clinton Villanueva. Magkaibigan na sila simula pagkabata at natigil lang ito simula ng m...