Kaibigan

5 0 0
                                    

Paulit ulit na binabalikan
Mga salitang parang kahapon mo lang binitawan
“Mahal kita pero bilang kaibigan
Patawad pero pagmamahal ko'y sa kanya na nakalaan”.

Mahal kita mula pa noong una
Hindi ko mawari kung kailan nagsimula
Kung kailan mas lumalala
O kung kailan ba ako nagsimulang lumuha.

Mahal kita ilang beses ko na pinaramdam
Ibinigay ko ito ng buong-buo
Kahit alam kong hindi masusuklian.
Dahil una pa lang turing mo na sa akin ay kaibigan.

Saan ba patungo itong nararamdaman?
Para sa isang taong nakakaramdam
Ngunit may iba namang inaasam.
Mahal, hanggang kailan ako masasaktan?

Of Lines And Poetry Where stories live. Discover now