Pagkatapos ng kaniyang mga gawain sa kanilang munting bahay ay pinuntahan ni Liwayway ang nasabing tulay. Iyun ang tulay na ginagamit nila kapag sila ay tutungo sa bayan sa ibaba ng kabundukan. Napakatagal na ng tulay na iyun at ang tanging ginagawa na lamang nila ay ang kumpunihin ito.
Naglakad siya sa pinakadulo ng tulay. Katulad ng mga tipikal na hanging bridge gawa iyun sa kahoy na pinagtagpi-tagpi at pinagdugtong-dugtong ng mga makakapal na lubid. Nakatali naman ang mga lubid sa malalaking puno na nagsisilbing pinakaposte ng mga tulay. Mula sa kaniyang kinaroroonan at sa kabilang bahagi nito.
Naglakad siya palapit sa pinakaunang tapakan ng tulay. At saka siya mabagal na humkbang patungo sa gitnag bahagi. At sa bawat kahoy na kaniyang hinahakbangan ay ramdam niya ang pagkakaluwag na ng mga kahoy at narinig din niya ang langitngit ng lubid at kahoy na nagkikiskisan.
Yumuko siya at sinilip niya ang ibaba ng tulay. Ang nakapagitan sa dalawang bundok na dinudugtong ng tulay ay ang ilog ng Lakay nga Uleg.
Dahil sa magdamag na umulan ay may kataasan ang tubig at may kalakasan ang agos nito. Tila ba ipinapaalala ng Lakay na makapangyarihan ito. Ito ang kanilang buhay dahil sa bukod sa bukal ang tubig mula sa ilog ang kanila ring pinagkukunan ng kanilang tubig sa araw-araw na paggamit.
Kahit makaranas ng labis na tag-init ay hindi kailanman natuyo ang ilog na iyun. Hindi sila pinababayaan nito. Kaya naman dalawang beses sa isang buwan kung mag-alay sila sa ilog.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad at sa bawat paghakbang niya ay ramdam niya ang mga bahagyang paggalaw ng mga kahoy. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa lubid habang maingat na ang kaniyang mga paghakbang. Hanggang sa natunton niya ang sinasabing nasirang parte ng tulay. Nasa kalagitnaan ito at tuluyan na ngang nabungi ang mga kahoy.
Inisip niya ang mga dumaan kanina sa tulay. Ang mga nagtatrabaho sa taniman at mga nangangaso. At maging ang mga batang nag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa ibaba ng kabundukan.
"Hmmm, maayos pa naman ang tulay at hindi naman kailangan ng istrukturang moderno." Ang kaniyang bulong sa sarili. Matagal nang panahon nila iyung ginagawa ang kumpunihin lamang ang tulay at hanggang sa sandaling iyun ay iyun ang kanilang pamamaraan. Hindi nila kailangan pang umingi ng tulong sa hindi isang Agba.
Tiningnan niya ang kalangitan at nabasa niya mula sa direksiyon ng araw na malapit na ang pananghalian. Kailangan na niyang bumalik para maghanda ng kanilang pangngaldaw. At kailangan din niyang tulungan ang kaniyang lolo na maghanda para sa gagawing pagpupulong ng mga kalalakihan ng Agba sa Nabalitokan a Langit.
***
Sinilip ni Liwayway ang pinakukuluan niyang kape. Kanina pa nangangamoy ang masarap na amoy ng kape sa kabahayan. Tiningnan niya rin ang mga tasa na gawa sa lata na nakahilera sa isang kahoy na tray.
Iyun ang kanilang ihahanda mamaya sa pagtitipon. At gustuhin man niyang makinig ang mga kuro-kuro at saloobin ng mga kalalakihang pinuno ng bawat miyembro ng pamilya sa kanilang komunindad ay hindi siya maaaring sumama para makinig. Katulad na nga ng sinabi niya kalalakihan.
Hindi maaaring mangialam sa kanilang grupo ang mga kababaihan sa paggawa ng mga desisyon para sa kanilang komunidad. At ang kanilang angkan ng mga Magiting ang noon pa man ay pinuno ng kanilang komunidad na Agba.
Pero gusto niyang makinig at hindi na niya itatanggi na nakaramdam siya ng kaba lalo pa at narinig niya ang sinabi ng kaniyang lolo kanina patungkol sa ang ibang kalalakihan ay gusto nang humiling ng tulong sa mga kinauukulan sa ibaba ng kabundukan. Ibig sabihin ay manghihimasok sa kanilang tribu ang mga taga-ruar.
BINABASA MO ANG
Breaking Mr. Rake (complete)
RomanceDriven with his willingness to prove that he's not just a "rake of a man" and also to prove his family that he too just like his older brother Ace can handle and manage a business. He eagerly packed up and left the city to visit the property above t...