Napatayo ako sa pagkakaupo nang mag-anunsyo ang guro na tapos na ang klase namin. Iisa lamang ang naiisip kong puntahan ngayon sa tuwing lunch break. Iyon ay ang library.Sari-saring ingay ang naririnig ko sa aking magkabilang tainga matapos kong makalabas ng classroom. Sanay na ako sa ingay at sa katunayan niyan ay wala nalang sakin kung dudugo man ang tainga ko sa matinding ingay.
Ngunit mas gugustuhin ko pa ang ingay rito sa school kesa sa bahay…
Mabibilis ang lakad ko nang makarating ako nang tuluyan sa library. Naghanap muna ako ng libro bago ako nagtungo sa laging inuupuan ko, hindi kalayuan sa pinakadulong bahagi ng library.
Mas tahimik kasi ang parteng ito kesa sa dulo at sa unahan. Minsan ko narin kasing naranasan na maupo sa dulong bahagi ng library at hindi ko na iyon pa gugustuhing mangyari ulit.
Madilim banda roon kaya siguro kampante ang mga istudyante na maglampungan sa pinakadulong bahagi ng library.
Hahanapin ko sana ang tumbler ko ngunit naalala ko nga palang nakalimutan ko itong dalhin kanina dahil sa nangyari sa bahay bago ako makaalis papasok sa skwelahan.
Napangiwi ako nang maramdaman kong mahapdi ang gilid ng labi ko kung saan ako nasampal kanina ni mama kaya nalalasahan ko na ngayon ang kalawang na alam kong dugo ko.
Napatalon naman ako sa gulat nang marinig ko ang pagkahulog ng libro sa baba na gumawa ng malakas na ingay kaya naging dahilan iyon para lingunin ko kung sino ang nakahulog non.
Nagtama ang tingin namin na naging dahilan upang matulos ako sa aking kinauupuan.
His deep-set hazel eyes, flecked with shades of green and gold, held a quiet intensity, framed by thick lashes that accentuated their depth. Beneath his left eye, just below the lower lash line, was a small, dark mole. It was perfectly round and smooth, resembling a solitary tear. That mole gave him a unique and charm appearance. His strong jawline and casual tousled hair completed his look, making him appear both approachable and intriguing.
Napaiwas naman ako nang tingin at pakiramdam ko ngayon ay tuluyang nag-init ang buong mukha ko.
Gamit ang gilid nang mata ko ay pinagmasdan ko kung paano niya pulutin ang librong nahulog sa sahig.
Humigpit ang aking pagkakahawak sa libro nang mapansing papalapit siya sa pwesto ko.
“I'm sorry about that, I didn't mean to disturb you.”
Napaligon ako sa kaniya nang marinig ko siyang magsalita. Namula muli ang mukha ko dahil sa hiya at kaba.
“A-ayos lang” sagot ko
Ngumiti ito sakin bago niya inurong ang katapat kong upuan at doon siya marahan na umupo.
“If you don't mind, can I sit here?” tanong niya bago pa man siya makaupo ng tuluyan.
Napakurap ako at ramdam ko ngayon kung gaano kainit ang pisngi ko. Lumunok muna ako dahil pakiramdam ko may kung anong nakabara sa lalamunan ko.
“Mhm” sagot ko sabay marahan na tumango.
Napabalik muli ang tingin ko sa libro ngunit hindi ko na kayang basahin pa ulit iyon dahil ramdam na ramdam ko ang presensiya niya.
Ilang beses akong napapakurap dahil sa matinding kaba at nerbyos. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil humahalo ang hiya, kaba at takot ko na baka may kung ano akong masabi para malayuan niya ako.
Ito palagi ang dahilan kung bakit walang kumakaibigan sakin, others find me intimidating o hindi kaya naman ay introvert at palaging gustong mapag-isa.
Noong nakaraang taon ay naalala ko pang may nagsubok na kausapin ako ngunit hindi rin natuloy dahil harap harapan niyang sinabi sakin na ang boring at ang tahimik ko raw kasama kaya raw pala walang kumakausap sakin.
YOU ARE READING
Silent Embrace
RomanceShe's an introverted girl who struggles to express her feelings due to a stifling home environment. When she meets a patient, understanding guy, he starts to break through her emotional barriers. However, she worries that his patience might eventual...