Chapter 45
Ingay.
Isang malakas na ingay ang nagpagising sa buong diwa ko.
Buhay ako pa ako at humihinga.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko para hanapin ang pinagmumulan ng napakalakas na ingay ngunit isinara ko ang ang aking mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na nasa harapan ko. Dahan-dahan kong iminulat muli ang aking mga mata at sa pagkakataon na ito, tumambad sakin ang isang bukas na tv na pinagmumulan ng ingay at liwanag. Inikot ko din sa paligid ang tingin ko, puro kalawang at lumang makinarya ang nandito. Paniguradong nasa lumang factory ako ngayon.
"Anak ng magasawang milyonaryo, nawawala," nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ng mga magulang ko sa tv. Tatayo sana ako ng mapansin kong nakatali pala ang kamay at paa ko sa upuan. Kapag minamalas ka nga naman.
"Eunice Adams, anak ng mga milyonaryong sina Ricky at Beatrice Adams ay nabalitaan na nawawala kaninang alas-syete ng gabi," dahan dahang tumulo ang mga luha ko. Paniguradong sobrang nag-aalala ang mga magulang ko ngayon. "Nanggaling daw ang batang babaeng nagngangalang Eunice Adams sa eskwelan at nagkayayaan na magpunta sa isang party at bigla na lang daw nawala ang dalaga."
Bakit kailangan mangyari sakin ito? Bakit sakin pa?
"Tinitignan na dahilan sa pagkidnap sa dalaga ay away sa pagitan ng mga kompanya na hindi pinangalanan."
"Mommy! Daddy!" sigaw ko ng ipakita na naman nila ang mga magulang ko.
Biglang may lalaking pumunta sa harap at pinatay ang telebisyon. Isang napakatangkad na lalaki na may malaking katawan ang nasa harap ko. Hinatak nito ang kinauupuan ko at itinalikod. Tatlo na silang nasa harapan ko at pagkamuhi sa kanila ang nararamdaman ko ngayon, "Gising ka napala," sabi ng isa sa kanila, "Sayang naman akala ko namatay kana dahil sa gamot na pinaamoy ko sayo."
"Pakawalan niyo ako dito!" sigaw ko sa kanila pero nagtawanan lang sila. Sabagay, hindi ko naman mapapakiusapan ang mga taong katulad nila na kabuhayan na ang pagpatay.
Nilapitan ako ng isa sa kanila na may tatoo sa katawan. Nakakatakot ang itsura nito. Bigla nitong itinapat sa may leeg ko ang maliit na kutsilyo. "Kahit magsisigaw ka, walang makakarinig sayo." bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Kapag idiniin niya ang kutsilyo sa leeg ko. Paniguradong mamatay ako.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo?" Tanong ko sa kanila habang nangangatog ako sa takot.
"Nautusan lang," sabay tawa nung isa sa kanila na malaki ang katawan, "alam mo bang napakalaki ng nakukuha namin kapag namatay ka."
Napapikit na lang ako sa narinig ko. Pilit kong pinaniniwalaan na panaginip lang lahat, na pagmulat ko, iba na ang makikita ko. Pero kahit anong gawin ko, wala. Hindi magbabago ang nangyayari sakin.
"Boss, nasa kamay na namin siya," sabi naman nung isa sa kanila na may kausap sa cellphone, "sige, hintayin po namin kayo dito."
Tinanggal na nung isa ang pagkakatapat niya ng kutsilyo mula sa leeg ko. Nilapitan naman ako nung may kausap kanina sa cellphone, "Listen," sabay itinaas ang ulo ko gamit ang paghila sa buhok ko, "kahit gusto na kitang patayin, hihintayin muna natin si boss."
Kahit gusto ko sumigaw, alam kong hindi pwede dahil alam kong walang makakarinig. Masyadong malaki ang factory na ito at mukhang walang pumupunta dito. Tamang tama para pagtaguan ng kidnappers. Kapag minamalas ka nga anman at mukhang sanay na sanay na ang mga mamamatay tao na mga 'to.
Ilang oras ang dumaan at pinapanuod ko lang silang ipalipat lipat ang channel ng tv sa harapan ko. Mukhang sikat na sikat na ako dahil lahat ata ng palabas na balita, pangalan ko ang naririnig ko. Ano na kayang lagay ng magulang ko? Paniguradong nag-aalala na sila.
Biglang may narinig akong boses ng babae sa likod ko, "Nasaan siya!" tanong nito.
Bigla ako iniharap ng isa sa kanila sa likod at tama ako sa hinala ko, mommy ni Adrian at kasama pa ang daddy niya. Ang gagaling nila umarte, pwedeng pwede na silang mag artista. Best actor at best actress pa. Hindi ako makapaniwala dahil pati daddy ni Adrian, alam niya ang lahat dahil paniwalang paniwala talaga ako na gusto niya kaming tulungan ni Adrian noon.
"Hello Eunice," bati sakin ng mommy ni Adrian na pag ngiti pa na parang demonyo. Halatang halata na sa kaniya nagmana si Adrian. Parepareho silang mga walanghiya.
"Pakawalan niyo ako dito!" sigaw ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Mga wala silang awa.
"No, I can't do that dear," sagot sakin ng mommy ni Adrian, "I want to kill you."
"Bakit? Ano bang ginawa kong masama sa inyo?" dahan-dahang nawawala ang tapang ko. Alam kong ilang minuto na lang, pwede na akong mamatay.
"Magulang mo ang may atraso," inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko, " At ikaw ang magbabayad noon."
Pinilit kong maging matapang kahitsa huling beses kaya sinigawan ko siya, "hindi pa ba kayo nakuntento sa pagpapabagsak ng kompanya namin? Di pa ba kayo nakuntento na naghihirap na kami?"
"Hindi!" sigaw niya sakin pabalik, "Hindi ako makukuntento dahil magulang mo ang may kasalanan kung bakit namatay ang isa naming anak."
"Hindi totoo 'yan!" sigaw ko sa kaniya. Hindi ako naniniwala. Alam kong di magagawa ng mga magulang ko 'yon. "Mga sinungaling kayo!"
"Totoo Eunice," tinignan ko kung saan nanggagaling ang boses at kay Adrian 'yon na papasok sa may malaking pintuan ng factory, "Magulang mo dahilan na namatay ang bunso kong kapatid."
Umiling-iling ako sa kanila dahil ayoko maniwala. Pinaglalaruan lang nila ang isip ko. Sa pagkakaalala ko wala siyang kapatid. Wala akong naaalala. Wala. Wala. Wala.
"Kaya pagbabayaran mo lahat!" nagulat ako ng sigawan ako ng daddy ni Adrian. Nakakatakot ang itsura niya.
Bigla itong lumapit sa may lamesa may kinuha siya doon at narinig ko ang pagkasa ng baril at alam ko ng iyon ang baril na papatay sakin. Medyo lumapit siya sakin at ipinutok ito.
Napapikit ako sa kaba.
Katapusan ko na.
Pero wala akong naramdaman na sakit. Ganito ba kapag nabaril? Kaya naman iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakahandusay sa sahig si Adrian na duguan. Hinarangan niya. Hinarangan niya ang bala ng baril na papatay sakin.
Agad na may mga pulis na nagpasukan sa factory. Lahat sila may hawak na baril at nagpapaputok sa mga nangkidnap sakin. Sobrang ingay pero hindi ko na iyon pinansin dahil na kay Adrian lang ang tingin ko, "Adrian!" sigaw ko.
Sa lahat ng nangyari. Mahal ko padin siya. Kahit gusto ko magalit, hindi ko magawa kasi niligtas niya ko. Gusto kong kumawala sa pagkakatali ko. Gusto kong tumakbo sakaniya at yakapin siya.
Dahan-dahang gumapang si Adrian papunta sa pwesto ko habang hawak-hawak ang duguang dibdib niya. "Ma-mahal kita," sabi niya sakin ng parang pabulong na lang dahil hindi na siya nakarating sakin.
Tumulo ng tumulo ang mga luha ko. "Adrian!" sigaw ko, "Mahal din kita Adrian! Mahal na mahal kita."
--
A/N: This is the last chapter, next update EPILOGUE na :) thanks sa lahat ng nagbabasa, nagvovote, nagcocomment pati nadin naglalagay sa reading list nila ng HAD. I can't finish this without you guys. Kayo ang nagiinspire sakin na magsulat at magupdate. Loveyou guys! 😘
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED