EPILOGUE
Biglang tumahimik ang buong kapaligiran, wala ng ingay at wala ng putok ng baril. Iyak padin ako ng iyak. Ang sakit sa pakiramdam na ang taong pinakamamahal ko ay nakahandusay na lamang sa sahig na nagaagaw buhay habang ako, walang magawa dahil sa pagkakatali ko.
Parang bumilis ang mga pangyayari ng matapos ang barilan na naganap. Dahan-dahan nila binuhat ang katawan ni Adrian papunta sa labas ng factory. May mga pulis din na tumulong para maialis ako sa pagkakatali ko pagkatapos ay agad akong tumakbo palabas ng factory. Inikot ko ang tingin ko ngunit hindi ko na naabutan ang ambulansya.
Adrian, mabuhay ka. Please, kailangan kita.
Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sakin at si mommy lang pala.
"Thank God, you're okay," sabi ni mommy at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.
Biglang lumapit sakin si daddy, "Si Adrian ang tumawag ng mga pulis," sabi ni daddy sabay may iniabot na sulat, "sinabi niya na kapag may nangyari sa kaniyang masama, ibigay ko daw sa'yo ito." May inilabas na maliit na sobre si daddy mula sa bulsa niya at iniabot sa akin.
Kinuha ko ang sobre at binuksan ito.
Dear Eunice,
Paniguradong kapag nakuha mo ang sulat na 'to, patay na ko at huli na ang lahat. Pero alam mo, napakatagal ko ng pinaghandaan ang mangyayari. Matagal ko ng pinaghandaan na kung mapapahamak ka man, iaalay ko ang sarili ko mabuhay ka lang.
Sorry, Eunice. Simula pa noon alam ko ng mangyayari 'to. Sinadya kitang batuhin ng bola noon. Sinadya kitang halikan. Sinadya kitang mapag-ibig sakin. Lahat ng 'yon planado. Noon palang nautusan na ako ng mga magulang ko na mapaibig ka at saktan. Noon palang alam ko nang gusto kang patayin g pamilya ko. Lahat ng nangyari palabas lamang.
Alam mo ang rason? Sigurado, hindi mo alam. Noong bata pa tayo, magkaibigan naman ang pamilya natin. Masaya tayong magkakapitbahay. Magkasyoso pa nga ang mga magulang natin sa kompanya pero nagbago lahat ng may mangyaring aksidente. Wala ang mga magulang ko noon at iniwan muna kami ng kapatid kong bunso sa mga magulang mo. Iniwan tayo noon ng magulang mo dahil sabi nila, maggrogrocery lang sila at dahil baby pa ang kapatid ko noon, isinama nila kaysa naman maiwan kasama natin. Pero hindi na sila bumalik at nabalitaan ko na naaksidente sila. Patay ang kapatid ko, Eunice. Patay siya at kasalanan 'yon ng mga magulag mo.
Hindi mo na ba naaalala o sadyang ayaw mo maalala. 'Yon ang dahilan kung bakit kami lumipat noong walong taong gulang tayo. Hindi mapapatawad ng magulang ko ang mga magulang mo. Kahit ako, hindi ko sila mapatawad sa ginawa nila kaya pumayag ako sa plano ng magulang ko.
Pero noong makilala kita, nagbago lahat. Nawala ang galit ko sa pamilya mo. Ayoko ding mawala ka kaya iaalay ko ang buhay ko para sayo. Gusto kitang mapasaya. Patawarin mo ako dahil hindi ko sinabi sayo noon palang. Patawarin mo ako dahil at some point, pinagllaruan lang kita. Pero habang sinusuat ko 'to, alam kong totoo na ang nararamdaman ko.
Mahal kita, Eunice. Lagi kang mag-iingat.
Paalam.
Nagmamahal,
Renzel Adrian Chua
---End---
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED