h

13 0 0
                                    


- ---------------------------- Teaser
***
I like him since I was six years old. Akala ko pa no'ng una, superhero model
lang. 'Yun bang tinitingala ko siya dahil siya 'yung hero na laging nandiyan para
sagipin ako sa lahat ng palpak. I thought I could outgrow this feeling. But like a
bad habit, I kept on looking at him. I kept on wishing. I kept on falling.
How am I going to forget some meaningless kisses if it's with the one I love?
***
This is the first book for Candy Series. This story has been published and
available for purchase online in Anvil Publishing under Bliss Books website. This
is also available in all bookstores nationwide.
Thank you ~
- ---------------------------- Chapter 01: First Kiss
TCWDM: This is Teen Fiction/Young adult. Please use
#KYWatty for tweets na gusto n'yong mabasa ko. Wuv you!
***
"Ano'ng ibig mong sabihin? Wala akong sinabi kay Paul."
Halatang iritado si Jacob sa tono niya. Napapalakad siya sa bakuran tapos
napapasabunot sa buhok, na madalas ay hinahawi niya lang. Kausap niya si Maureen sa
cell phone. First love niya (sabi ni Kuya). Ex-girlfriend since twenty-four days
ago.
Pinaglapat ko nang mabuti ang mga labi ko para hindi ako makagawa ng ingay.
Nangangalay na 'ko sa pag-squat sa sanga ng punong mangga pero okay lang basta
nakikita ko siya. May ibibigay ako sa kanya kaya nakasunod ako mula kanina, kaso

umeksena na naman si Maureen. I ended up here—eavesdropping.
"Bakit hindi ako ang paniwalaan mo?" aniya. "Bakit ko naman sasabihin 'yon eh
alam nating pareho na hindi totoo? Ang labo, Mau."
Sumimangot ako. Nakaiinis makitang frustrated si Jacob sa iisang babae. Eight
months niyang niligawan si Maureen pero ang relasyon nila, six months lang. Tapos,
break na nga sila pero tuwing magkakaproblema si girl sa bagong boyfriend, laging
damay si Jacob. Bakit? Eh 'di ba, 'pag break na, wala na dapat pakialaman?
Si Jacob naman, hindi pa i-block si Maureen. Siya na nga niloko, siya pa
problemado.
"Hoy, Hakob—"
Dumating si Kuya Jepoy pero nasenyasan agad ni Jacob na tumahimik.
"Si Mau?" pabulong na tanong ni Kuya. Tumatabi at idinidikit 'yong tainga niya
sa cell phone pero itinutulak ni Jacob.
"Ilabas n'yo na lang ako sa away n'yo. Kay Paul ka magpaliwanag. Basta ako,
wala akong sinabing ganyan kahit kanino. At kung totoong makikita ko si Paul, hindi
tsismis ang mapapala n'yan sa 'kin. Baka nabugbog ko 'yan.
"May ina-assemble akong project ngayon. Ibababa ko na."
Ibinulsa ni Jacob ang cell phone niya pagkatapos.
"Ano na naman 'yon? Bakit ka na naman tinawagan ni Maureen?" tanong ni Kuya.
Hinilot-hilot ko ang paa ko habang nakahawak ang isang kamay sa sanga.
"Ewan ko ro'n. Sabi raw ni Paul, may sinabi ako tungkol sa 'min," sagot ni
Jacob.
Hindi nakatutulong ang paghihilot-hilot ko. Bumibigat pa rin ang binti ko sa
pangangalay. Tapos, umeksena pa 'to si Kuya. Pa'no 'pag nahuli ako rito sa taas ng
puno? Aasarin na naman akong buntot ni Jacob at isusumbong kina Mama at Papa.
"Weh? Baka ang tinutukoy ay 'yong tsismis sa school tungkol sa virginity."
Natawa nang mahina si Kuya. "Matagal naman na 'yon, ah. Bago pa naging kayo ni Mau,
may gano'ng tsismis na."
"Ewan ko. Ang gulo nila."
Inakbayan ni Kuya si Jacob. Papalakas naman ang pukpok ko sa paa ko.
" 'Yang si Mau, masyadong papansin sa 'yo. Break na kayo, 'di ba? Bakit ikaw
ang iniistorbo? Ang labo."
Namulsa lang si Jacob.
"Saka bakit kasi hindi mo iniiwasan ang tawag?" dagdag ni Kuya. " 'Asan ang
pride mo, brader? Inistorbo ka pa tungkol kay Paul na ipinalit niya sa 'yo? 'Yong
jinowa niya habang kayo pa? Nananadya ba 'yan? Nagpapakaestupido ka ba? Kailangan
mo ba nang masinsinang kutos?"
May point talaga si Kuya. Dapat i-block na ni Jacob 'yong papansin. Pero
pumalatak lang si Jacob.
"May feelings ka pa kay Mau?"
Sumimangot ako sa tanong. Dapat, wala na.
Inalis ni Jacob ang balikat niya sa akbay ni Kuya. "Bakit ka nandito? Sinundan
mo 'ko?"
"Hinahanap ko si Iya. Paglulutuin ko. Nakita ko kaninang
nakasunod sa 'yo rito sa likod-bahay, eh," sabi ni Kuya.
Natutop ko ang bibig ko. Ako nga pala ang nakatokang magluto ng dinner! Lagot!
Luminga-linga sila sa bakuran pero hindi naman tumingala sa puno kung nasa'n
ako.
"Parang wala naman," sabi ni Jacob. " 'Di ko naman napansin."
'Kailan mo ba 'ko napansin talaga?' gusto kong itanong pero never mind na lang.
Masasaktan lang ako.
"Nandiyan na si Ivan dala 'yong beer natin. Tara, nang makarami." Halos hilahin
ni Kuya si Jacob pabalik sa harap ng bahay. "Habang wala sina Papa."
"Una ka na ro'n. May hahanapin lang ako rito. May nalaglag yata ako."
"Ano?"
"Mauna ka na ro'n, Jepoy," natatawang sabi ni Jacob kay Kuya. Itinulak niya pa.

hshDonde viven las historias. Descúbrelo ahora