Tahimik Kong pinagmamasdan ang tanawin dito sa garden ng school.
Walang kupas talaga ang ganda at sariwa ng hangin. May mga estudyanteng masayang nagkwekwentuhan habang nag lalunch , nakakatuwa silang tingnan. Sana ganyan din saakin mga babae kong kaklase.Huminga ako ng malalim at iniwas sakanila ang paningin. Tikom ang bibig kong nilibot muli ang paningin. Napakunot noo ako sa pamilyar na pigura na papalapit saakin.
Si Hunter ba yan? Bakit nandito siya? Paniguradong may sasabihin nanaman yan base sa kilos niya ay mukhang balisa at parang nagmamadali siya.
Nakakapanibago.
Nang tuluyan na itong makalapit saakin ay yumuko siya para titigan ako. Umusbong ang pagtataka saakin at kaunting takot na baka may mali nanaman akong nagawa.
"Quin." He paused a minute and heaved a deep sigh.
Marami ng estudyante ang napapalingon saamin at nagtataka kung bakit nandito si Hunter.
Tumabi siya saakin kaya Hindi ko maiwasan ang lumayo ng kunti sakanya na kinadilim ng kanyang ekspresyon.
Napalunok ako. Wrong move ata.
Ngunit agad nawala ang madilim nyang ekspresyon at napalitan ng lungkot at guilt.
Kaya nabahiran ng pagtataka ang mukha ko. Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita na siya.
"You need to go back to where you live before." Ani nito sa mahinang tono.
Parang may bumara sa lalamunan ko , hirap akong ibuka ang sariling bibig.
Bakit? Galit ba siya ulit saakin kaya paaalisin na niya ako sa bahay niya.
Nakagat ko ang pang ibabang labi at tahimik na tumango.
Wala akong magagawa , isang hamak lang naman akong kasambahay kaya Hindi pwedeng magreklamo. Hawak parin niya ang desisyon kung aalis ako o mananatili.
Siguro tama na rin to kesa sa patuloy kaming magkakasalamuha. Siguro kailangan na rin tuparin yung sinabi niya dati na iiwasan na niya ako.
Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit ng pintig ng puso ko na para bang sasabog ito anu mang oras.
"Quin. I'm sorry. This is for your own good." Ani muli nito ngunit sa malamig na na tono.
He's back to his old version.
Wala na akong makita na emosyon sakanyang mukha. Para bang wala na itong pakialam sa kahit anu.
Siguro marami nanaman akong nagawang mali kaya naging ganyan siya. Mali ata ang patuloy kong pagpaparamdam sakanya.
Itinikom KO ang bibig hanggang sa tumayo na ito. Isinuksok niya ang kamay sa magkabilang bulsa at agarang tumalikod saakin.
"Take . care. " he said and walk away. Nanubig ang dalawang Mata KO.
My lips are trembling. Pinilit KO ang sarili na huwag umiyak. Maging matatag ka Raquin! Diba sanay ka ng palaging iniiwan? Sarili mo ngang pamilya iniwan ka siya pa ba na pansamantalang naging mabait sayo!
Umayos ka!
Naisubsob KO ang mukha sa sariling tuhod.
Sanay ako sa hirap kaya madali ang mag adjust saakin. Pero ngayon bakit sobrang hirap ng sitwasyon ko. Nasanay na akong pinag sisilbihan siya, nakikita siya o nakakasama man lang .
Ayoko na ng ganito. Palagi nalang sakit ang nararamdaman ko. Pag nagiging masaya ako palaging kapalit nun ang pait. Hindi ako hinahayaang sumaya ng tadhana palagi niyang pinapamukha saakin na Hindi ko deserve ang maging masayan.
Kaya siguro palagi akong malas sa lahat.
BINABASA MO ANG
BULLY'S OBSESSION
De TodoHuminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat...