CHAPTER 29

769 14 8
                                    

YURI's POV

"Hoy! okay ka lang?" si Dy

nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Singapore. On the spot ko silang niyaya na mag coffee dito sa Singapore since malapit lang naman at game naman sila dahil may asikasuhin din naman sila rito. 

"ewan ko kung okay pa ba ako" sagot ko sa kanila. Tinignan ko si Audrey na kung saan seryosong nakatitig sa akin. "Ano? bakit ganyan ka makatingin sa akin?" 

"2 weeks kanang ganyan ahh. Bakit parang ang lungkot mo palagi?" 2 weeks na nga pala simula no'ng umalis si Hendrix at hanggang ngayon wala kaming contacts sa isa't isa at wala rin akong alam kong nasaan na siya. Hindi ko rin makita ang granparents nito at si Monique naman hindi ko yun basta-basta malapitan alam niyo naman kumukulo dugo no'n pag makita ako. 

tinignan ko si Athena na kung saan seryosong kumain ng vegetable salad. Hindi pa naman obvious ang tummy niya peru makikita mo talaga na may pagbabago sa katawan niya lalo na yung balakang niya. Peru, yung tummy hindi pa naman obvious na buntis ito. Ewan ko kung anong pwedeng mangyari oras na malaman ni Yuan na buntis ito at ang fiance pa niya ang Ama. 

"girl, gusto ko itong design ni Mr. Armanii ahh infairness at isa pa, siya rin pala ang designer ng mga ilan sa mga famous na mga models and celebrity abroad" si Anya

Oo nga pala malapit na ang fashion week sa Paris  at sa New York. Kaya nga todo practice na ako next week. Okay narin yun para kahit papano hindi ko masyadong maalala si Hendrix. 

"At ang swerte nitong BFF natin kasi isa sa napili ni Mr. Armanii para maging model sa mga bagong designs niya hehehehe excited ako makita ang mga designs nito....tapos sasabihin ng host 'ARMANII'S COLLECTION' tapos lalabas si Yuri HAHAHAHAHAHAH I'm so excited" si Dy

"Hoy! Yuri anong mukha yan? ang ganda ng panahon peru yang mukha mo para kang binagsakan ng langit" si Anya

"I miss him" wala sa sariling bigkas ko. 

"huwag ka mag-alala uuwi rin naman yun. Kakauwi nga lang niya no'ng isang araw tapos na miss mo ulit siya? I told you pakasalan mo na kasi si Cedric para magkasama na kayo habang buhay" si Dy. 

Tinignan ko si Dy at ngumiti

"not him" 

"ha? hi-hindi si Ce-Cedric? eh si-sino?" 

"Naku e sino pa ba? kung hindi si Cedric eh si Hendrix lang naman ang lalaking kasa-kasama niyan" si Audrey dahilan upang manlaki ang mga mata nilang lahat. 

"Oh My God! really? kayo na ni Hendrix?" si Athena 

"Hindi ko siya sinagot may girlfriend yung tao eh, hindi niya kayang iwan yung babae. So, bakit ko siya sasagutin?"

"WHAT? hindi niya kaya iwan ang girlfriend niya? tapos ikaw nakisawsaw sa relasyon ng iba? iba karin ahh! ang daming lalaki sa mundo, Yuri. Huwag kana ro'n sa lalaking may girlfriend at hindi ka pa kayang ipaglaban! kabaliwan yan" si Anya. Huminga ako ng malalim sabay inom sa coffee ko. 

"Hindi ko rin alam kong ano itong pinasok ko eh" sagot ko sa kanya. 

"Mahal mo ba?" si Athena

"I do-don't know" 

"Huh? bakit hindi mo alam? alam mo ikaw? sa dami-dami ng lalaki sa mundo bakit do'n ka pa sa may girlfriend? hindi mo ba naiisip na pwede yan makasira sa career mo?" si Dy

Sexret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon