CHAPTER THIRTEEN
ALAM ni Frances na malaki ang angkan nina Matthew sa mother side nito. Alam niyang sobrang close ng mga Lanza kaya nagbuklud-buklod ang mga ito sa Monte Amor. Mahigit kalahati ng populasyon niyon ay galing sa mga Lanza.
Ngunit iba pa rin talaga ang alam kaysa sa nakikita. Dahil pagkadating nila sa kasiyahan na ginanap sa "Royale" ay halos ma-suffocate si Frances sa dami ng tao! Lahat na yata ng edad ay makikita roon!
Ang Royale na tinatawag ng mga Monte Amor ay isang dalampasigan din na may malaking gazebo na nakatayo sa gitna. Open-air ang gazebo at jampacked ang music na nanggagaling sa stereo.
Buhat ni Matthew si Cyla at siya naman ay buhat ang pagkain na hinanda nila. Mukhang kulang ang hinanda niya pero nang nakita niya ang lalagyanan ng pagkain ay umaapaw ang handa roon! May limang letchong baboy na buo pa!
Mukhang lahat naman ng tao doon ay naghandog ng share nila.
Pagkalagay niya ng pagkain sa lamesa ay nakita niya si Ruth na mas inaayos ang mga nakahandang pagkain.
"Hi, Ruth!" bati niya agad dito.
"Uy, Frances! Nandito na pala kayo! Magandang hapon!" nakangiting sabi nito.
"Ang dami palang tao dito. Nakakagulat. Akala ko, kasing dami lang ng tao nu'ng birthday ni Andrew."
"Ah, oo. Marami kasing lumuwas at umuwi ngayon dito. Kaya ayan, family reunion kung family reunion talaga! Masanay ka na. Ganito sa Monte Amor kapag nagsama-sama ang mga Lanza."
"So, kompleto pala lahat sila rito ngayon?"
"Oo. Nandito na nga si Terrence. Hindi niya lang kasama ang asawa niya."
Napatango-tango siya. Matutuwa si Cyla kapag nakita ang Papa nito, panigurado!
Nagpaalam na sa kanya si Ruth dahil may aasikasuhin pa raw ito kaya naman hinanap niya na lang kung saan pumuwesto si Matthew. Habang naglalakad siya sa dami ng tao ay may biglang humalik sa magkabila niyang pisngi!
"Hi, Frances!"
"James! Titus!" gulat niyang sambit sa dalawa pang pinsan ni Matthew na matagal na rin niyang nakilala since college pa.
"You're still gorgeous! No, gorgeous than ever," puri sa kanya ni James with his adorable British accent. "How can you do that?"
"Dati si Terrence ang nakakainggit nang dinala niya rito si Eunice," ani Titus. "Ngayon, si Matthew naman ang nakakainggit dahil ikaw ang kasama niya!"
Nanlaki ang mga mata niya. "A-Alam niyo?"
Nagtawanan ang mga ito.
"Paanong hindi?" biglang pagtatagalog ni James na may accent pa rin. "Alam naman ng buong Monte Amor na kayo na!"
"Halikan ka ba naman ni Matthew sa gitna ng palengke ng bayan, paanong hindi kakalat?" natatawang sabi ni Titus. "At siyempre, nakuwento na sa'min nina Peter. Sila pa ba ang mahuhuli sa balita?"
Nakitawa na lang din si Frances sa dalawa. Hindi niya alam kung maganda bang alam na ng lahat ang relasyon nila ni Matthew...but she's happy, so whatever.
"Kailan pa pala kayo dumating?"
"Kaninang madaling araw lang," sagot ni Titus. "Hinintay pa kasi naming makarating sa Cebu City si Terrence bago kami bumiyahe nila James."
"Nakita mo na si Terrence?"
Umiling siya. "Kararating lang namin nina Matthew, eh. Saka sa dami ng tao, nahirapan akong maghanap. Nahihirapan nga akong makita si Matthew ngayon."
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomanceMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...