Chapter 8: The Master's Guardian

1.4K 73 1
                                    

- River Ehren Cruzveda's POV -

" Salaymat" nahihiyang sabi ni Yuwi. Pfffttt... Pinipilit ko kasi siyang mag tagalog. Hindi naman kasi porket anak ako ng scientist or doctor eh genius na ko. Sa gwapo kung to, kawawa naman yung ibang tao kung genius pa ko. Matalino pwede pa. Isa pa, nasa Pilipinas siya, kailangan niyang matutong magsalita ng tagalog. Nakakaintindi naman siya eh. Tsaka mas cute siya pag nagtatagalog. Slang na ewan.

" pfffttt... " pagpipigil ko ng tawa.

Ang sabi ko kasi tatalon ako sa building pag narinig ko siyang nag-english. Medyo uto-uto pala si Yuwi kaya eto.

" Wa-wag mo akong tawanan!"sabi niya.

" Nakakainis! " napatingin naman kaming lahat sa may pinto. Si Xinon lang pala.

" What are you looking at? " Mataray na tanong niya tsaka dumeretsyo sa upuan niya.

" Hahaha... Xinon naman. Pikon eh? " tanong ni Venice. Ano na naman kayang ginawa ng tatlong to?

" Eh sino bang hindi? Shocks! Ang yabang nung nabanga ko V. Halos matangay na nga ako eh" sabi niya tsaka sinubsob yung ulo niya sa desk.

" A-anong nangyari diyan? " tanong ni Yuwi kina Venice at Winter. Napatitig naman sila kay Yuwi.

" Nagtagalog ka??? " tanong ni Winter. Nahihiya namang tumango si Yuwi.

" Ohhh sa wakas! " sigaw ni Venice. Sumimangot naman si Yuwi.

" my... Yu-yung tanong ko " sabi niya tsaka lumingon sa akin.

" Ai Oo nga pala. Kasi ganito yun, papunta na kami dito ng may nabanga si Xinon na lalake. Ang gwapo ng nabanga niya girl. Tapos syempre natumba si Xinon, edi nganga siya sa kagwapuhan ni kuya kaya ayun nagsalita si kuyang nabanga niya. " sabi ni Venice tsaka humarap kay Winter. Inirapan siya ni Winter tsaka nagsalita.

" Alam kong gwapo ako pero di mo naman kailangang bumukaka diyan sa harap ko " seryosong sabi ni Winter. Lagi naman _ _

" Kyaaa... wag mo na nga ipaalala. " sabi ni Xinon. Ang inggay ng tatlong to.

" hahaha... kasi naman hindi niya napansing ganun na yung pwesto niya nung natumba siya tapos ayun nag-away sila. Oi Winter i-demo natin dali. Ako si Xinon ikaw si kuyang nabanga. " Sabi ni Venice. Tumango naman si Winter.

" Hey... magsorry ka muna" sabi ni Venice na ginagaya daw si Xinon. Humarap naman si Winter na nakapamulsa.

" Why would I? Sinong nakabanga? Ako ba? Psshh " sabi ni Winter tsaka lumabas. Hahaha... So ganun ang nangyari?

Maya-maya sumilip naman si Winter tsaka pumasok.

" Ending lang yun. Hindi na namin sinama yung maraming beses na pagkakabara ni Xinon" Sabi ni Venice na tumatawa pa rin. Mga baliw...

Bogsshh...

" I said STOP talking about that moron! " sigaw ni Xinon. Tinignan pa tuloy siya ng mga kaklase namin.

" Meanie. Lamesa ko yung hinagis mo" sabi ni Venice.

" Tsss... Of course, alangan namang ihagis ko yung sarili kong lamesa. " sabi ni Xinon. Ok. Nag-aaway ba sila?

" Ang pikon mo. Nagkakatuwaan lang eh" sabi ni Venice na kasalukuyang inaayos yung lamesa niya. Wala namang nagtangkang umawat. Ikaw ba naman makakita ng babaeng nanghahagis ng lamesa, hindi ka kaya matakot?

" Yeah... at ako ang napagkakatuwaan " sabi ni Xinon.

" Guys wag dito. Asa classroom tayo" sabi ko. Parehas naman nila akong tinignan ng masama. Okayyy... Sana pala hindi na ko nagsalita.

My Doll like GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon