Capítulo 28

12 1 0
                                    


Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto kahit ilang minuto nang nakaalis sa harapan ko si Mr. Navine. 

Tila napako ako sa aking kinatatayuan matapos kong marinig ang mga huling salitang binanggit niya sa'kin. Tanging malakas na tibok lang ng puso ko ang tanging nakakapagpatanda sa'kin na buhay pa rin ako.

Pero masyado malakas 'yon na tila ba gusto na nitong kumawala agad-agaran.

Nagising nalamang ang diwa ko ng marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa kwartong pinasukan ni Mr. Navine, hudyat na naliligo na rin ito.

Para akong robot na bumalik sa guest room na pinanggalingan ko. Mabilis naman akong dumiretso sa walk-in closet no'n na konektado lang din sa bathroom ng kwarto.

Nang mapadako ako sa harap ng salamin, doon ko lang na-realize na hindi ito ang suot ko kagabi. Isang maluwag na kulay puting t-shirt lang ang aking suot at nang i-angat ko 'to ng bahagya, ay tanging panty ko nalamang ang nandon. WALANG BRA.

Agad akong pinamulahan ng mukha dahil sinugod ko si Mr. Navine na ganito ang damit. Kaya naman pala parang ang presko ng aking pakiramdam, panty lamang ang aking suot sa ilalim ng malaking damit nito.

Gusto kong hampas-hampasin si Mr. Navine dahil paniguradong nakita niya ang katawan ko noong pinapaltan niya ako ng damit kagabi. pero dahil na rin sa sariling hiya sa katawan, ay mas naisip ko ang perwisyong dinulot ko kagabi sakaniya.

Mariin akong napapikit habang padabog na hinuhubad ang aking damit para maligo. Agad ko namang pinuno ng tubig ang bathtub at mabuti na lamang, mabilis itong napuno. Sinabuyan ko rin ito ng pampabango upang medyo bumula rin ito.

Agad kong naalala ang labis kong pag-iyak at pagkadismaya kay Darmex. Alam kong hindi ko pa alam ang buong kwento o plano niya, pakiramdam ko ay pinaglaruan niya pa rin ako. Parang hindi ko pa rin yata kayang humarap sakaniya. Pero kung sakali man na kaya niya ng sabihin sa'kin ang eksplenasyon niya, makikinig pa rin ako dahil kaibigan ko siya.

Napabuntong-hininga naman ako pero nagsimula na akong kumilos upang linisan ang aking katawan. Nang matapos ako ay agad kong iniabot ang bathrobe na aking hinanda kanina upang patuyuin ang aking katawan.

Mabuti na lamang at ready ang mga gamit dito. Simula sa deodorant, pabango, toothbrush, at kung ano-ano pa. 

Nang matapos akong magbihis ay lumabas na rin agad ako sa walk-in closet. Ngunit agad na tumigil ang aking paa ng makita kong nakaupo si Mr. Navine sa kamang kinahihigaan ko kanina. Ang pinagkakaiba nga lang ngayon ay naka black t-shirt siya na may maliit na Calvin Klein na tatak sa may bandang dibdib at isang black rin na sweatpants. Katulad nang dati ay may nakasabit na silver dog-tag sakaniyang leeg. 

Nang makita ko ang kaniyang kuwintas ay biglang bumalik sa aking ala-ala ang lalaking nakita ko sa isang dating site. Noong mga panahong hinahanap ko pa ang OM3NBid.

Kumunot ng bahagya ang aking noo ng may ma-realize ako.

'Hindi kaya....Si Mr. Navine 'yon?'

Kumabog ang aking dibdib at muntik nang maglayag ang aking isip ng biglang magsalita si Mr. Navine.

"Let's go?" tanong niya at saka tumayo mula sa pagkakaupo.

Umiling lang ako ng bahagya. "Teka lang hindi pa ako nagm-make-up. Can you give me atleast 5 minutes??" pakiusap ko.

Kumunot naman ang kaniyang noo dahil sa aking sinabi kaya naman medyo kinabahan ako sa ekspresyon na kaniyang pinakita.

"What for? Wala ka pa bang make-up niyan?" takang tanong niya.

"W-Wala p-pa." gusto kong batukan ang aking sarili nang mautal ako.

"Then why do you look so good?" nanatiling nakakunot ang kaniyang noo nang sabihin niya 'yon ng diretso sa'kin.

Halos kulangin ako ng hangin sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin malaman kung bakit pagdating kay Mr. Navine, hindi mapakali ang nararamdamanan ko. Lalong lalo na ang puso ko. Pakiramdam ko ay palagi akong aatakihin.

Hidni naman agad ako nakasagot kaya naman nilapitan niya ako at walang pakundangang binuhat ng bridal style.

"Holy shit!" napasigaw ako dahil sa gulat.

"Stay still. Hindi kita ibabagsak. Ayoko lang madumihan ang mga paa mo." seryosong usal niya.

Napako naman ang aking paningin sakaniyang panga papunta sakaniyang leeg kung nasaan ang kaniyang Adam's Apple habang buhat-buhat niya ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nakipag-argumento sakaniya nang buhatin niya ako. Agad namang bumalot sa aking sistema ang panlalaki niyang pabango na mas lalong nakapag-pakalma sa'kin.

Inilapag niya ako paupo sa sofa na nasa living room area ng kaniyang unit. 

"Stay there. I'll get your things." 

Tumango lang ako bilang sagot at hinintay siya. 

Makalipas ang ilang minuto ay dala dala niya na ang gamit ko. Inilapag niya naman lahat ng 'yon sa center table.

Ngunit kumunot ang aking noo ng lumuhod siya sa aking harap at kuhain ang aking mga paa papunta sakaniyang mga kamay.

SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon