IKAW, IKAW AY DILAWsimula nong bata ako, ayoko talaga sa kulay dilaw. masakit kasi sa mata. naiirita nga ako sa kapatid kong lahat ng gamit ay dilaw.
hapon nang makita kita sa bungad ng simbahan, kayganda mong pagmasdan sa suot mong bestidang dilaw. nasisinagan ka ng papalubog na araw, sa ngiti mo ako'y nasilaw.
ikakagalit ba ni tita, kung ikaw ang gusto kong maging ilaw ng bubuohin kong tahanan? ikaw kasi ang nagkulay sa walang kwenta kong buhay. sayo ko naramdaman ang tunay na saya, kaya gagawin ang lahat mapasagot lamang kita.
nakakatawa lang na sa tuwing nakakakita ako ng dilaw ikaw ang unang pumapasok sa isip ko. kung tatanungin man ako kung anong kulay ang nagsisilbing tanglaw sa'akin — IKAW, IKAW AY DILAW.