ISANG oras din ang tinagal ng byahe bago ko marating ang Villa na tinutukoy ni Evanzy kung saan kami magkikita.
Pagdating ko ay kaagad akong iginiya papasok ng isa sa mga tauhan yata ni Evanzy.
Pagpasok ko sa loob ay natanaw ko agad si Evanzy na naglalakad palapit sa gawi ko.
Sa porma ng suot nito ay masasabi kong nakaready na siya para sa aming lakad.
Malugod akong niyakap ni Evanzy at nagpapasalamat ito dahil maayos akong nakarating sa Villa.
"Pasensya na at medyo natagalan ako."Bungad ko sa kanya.
"No, sakto nga pagdating mo eh. Kaya ayos lang."Saad niya sa masayahing tinig.
"Aalis naba tayo?"Tugon ko sa kanya.
Tumingin siya sa apple watch nito."Yes, we better leave now bago pa tayo maabutan ng pinsan ko."Parang nagmamadali niya pang sabi.
Nacurious naman ako sa sinabi niya."Pinsan? What do you mean?"
Bago paman makatugon si Evanzy ay ang paglitaw naman ng isang pamilyar na lalake na kagagaling lang sa pinaka loob ng Villa hallway.
This guy is so familiar to me. Napaka kalmado ng expression nitong nakatitig sa akin habang kampanteng nakapamulsa sa magkabilang bulsa nito at napansin ko din ang isang gitara na nakasabit sa kanyang balikat.
"Hey Eva, where the hell are you going?"Taas noong untag ng lalake."What's with the outfit?"Dagdag pa nito sabay suri ng mabuti sa kasuotan ni Evanzy.
Napamura ng mahina si Evanzy na para bang naiirita pa ito."Darn it. Non of your business, Hunter."
Huminto sa paglalakad ang lalake nang nasa harapan na nito kami at tinawag ni Evanzy na Hunter.
I knew it, siya nga si Hunter.
Kaya pala pamilyar talaga siya sa akin. Pero hindi ko akalaing mas gwapo pala talaga siya sa personal.
Matangkad siya at kakaiba ang kanyang sex appeal, hindi iyon nakakasawa sa paningin.
Ang lakas din ng kanyang charisma.
Lalo siyang naging hot tingnan dahil sa medyo wavy nitong buhok na sa unang tingin pa lang alam mong alaga ng mamahaling shampoo ang buhok nito.
Hindi naman siya ganon kalapit sa gawi ko pero umaabot sa ilong ko ang napaka bango niyang pabango para sa isang adonis na gaya niya.
Napaka linis niyang tingnan sa simpleng suot nito na loose gray pants with white t'shirt. And he is only wearing a flat slippers.
"Baka kung ano naman yang kalokohan na ginagawa mo, lagot ka kay Tita Viola and uncle Blake."Mapanuksong turan ni Hunter.
Lalong nagsalubong ang kilay ni Evanzy sa sinabing iyon ni Hunter.
"W-wala naman akong ginagawa ah! Pwede ba manahimik ka nalang. Sige at kailangan na namin umalis ng kasama ko."Halatang inis na talaga si Evanzy.
"Ilang linggo mo na akong iniiwasan Eva, nakakapanibago kana talaga. Are you hiding something?"Taas babang sinusuri ng tingin ni Hunter si Evanzy.
Pagkwan ay kaagad siyang nilapitan ni Evanzy saka hinila palayo sa gawi ko.
"M-may lakad kaba?"Mahinang tanong ni Evanzy kay Hunter.
Agad naman umiling ang kausap."Nope."
"Baka may GIG pa kayo nila Jeliarde?"Evanzy.
Kunot-noong umiling ulit si Hunter."We don't have GIG, next month pa. Bakit ba?"
BINABASA MO ANG
(R-18)A TASTE OF BEBENGKA
Fiksi Umum*EMBRACE YOUR PASSION AND ALLOW YOUR STRENGHTS TO GROW. YOUR CONFIDENCE IN YOUR ABILITIES WILL NATURALLY GROW AS WELL.* Siya si CHIARA ENRIQUEZ, mabait at mapagmahal. Masipag sa lahat ng bagay, Sa kanyang murang edad nasanay na siya sa kahirapan n...