Chapter 15 - Through a Message

395 11 1
                                    

A/N: Super late update sorry. Writer's block. Sorry rin kung maikli ito, pero intention ko talaga para sa chapter na ito na narration lang.

Ryla


-present date-


It's been weeks since our last JS Prom and a week after our high school graduation. Noong graduation, hindi sumupot si Rence. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya that day. Hence, bihira na lang kami mag-usap since noong prom. Narinig ko kila Francis at Brandon na may sakit daw si Rence that week. After that, wala na akong alam.


Malapit na akong pumasok sa college. In a few days, marami akong makikilala. I will now step on a bigger school with random people. Nope, magkakaiba kami ng pinasukang university.


Tsk, bigla ko tuloy naalala yung last time kami nagkita-kita since nagsilipatan kami sa mga dorm. Hahaha, those were fun times but sadly, pagkakaalam namin, yun na yung last time naming magkikita.


Sina Trisha at Francis, nag-migrate sa ibang bansa just this July. Sa ngayon, sila Kyle at Krystal nalang macocontact ko.


Actually, to think about my current situation - I'm very lonely. I'm in a new dorm, new school with new friends and new teachers. Bihira lang ako makakauwi sa bahay. And there's this feeling na bihira nalang kami magsasamang magkakaibigan.


It's no joke for me na makapasok sa isa sa top 4 universities sa Pinas so I have to be serious. Knowing Krystal, she is very serious when it comes to studying. Kapag aral, aral lang. Kapag bonding, bonding lang. Ganun siyang ka-focus.


While on the other hand, si Kyle naman ay medyo opposite ni Krystal, not in a bad opposite way though. Magaling lang talaga siya mag-time management kaya kabilang siya sa top palagi. Diba? Hindi halata sa kanya yung pagiging matalino.


Ako naman. I don't really know how to survive school alone. Kasi most of the time naka-depende ako sa mga friends ko who are not with me this time. Palagi ako nagka-cram, minsan pa nga inaasa ko sa iba homework ko. Pero naka-graduate naman ako with honors. I'm not saying na gayahin niyo ako guys ha but that's just the strategy if you're lazy or sleepless.


Si Rence... Miss ko na siya. Eversince, hindi nawala feelings ko para sa kanya. I'd say that I just hid it somewhere deep inside me. Kinalaunan, tinanggap ko na rin. I finally accepted that it will always be a one-sided love story.


Pansamantala, nakahiga ako sa kama ko sa dorm - staring at the ceiling for about an hour. May roommate ako named Clarisse. She's a nice girl. I shall say na magkaparehas kami ng characteristics. Maganda, sexy... chos. Hahaha.


Sa ngayon, hinihintay ko siya makauwi. May kailangan akong sabihin sa kanya.


Hindi ko matanggal sa isip ko yung natanggap kong text kanina lang possibly kasi nakatitig pa ako sa phone ko.


From: Rence

Miss na kita.

~~~

What a short and unexpected chapter.

Diary ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon