Balik tanaw sa pagkabata

61 3 0
                                    

Author's message

05/ 04/ 24 | 2:36 Am

Hi frendu! This is my short story look back on our childhood. And I did it because I remember my childhood friends. Tsaka bigla kong namiss ang pagkabata ko T~T huhuhuhu. Iyong mga panahon na musmos kapa lang at wala kapang malaking responsibilidad. Iniisip mo lang kong paano ka makakatakas sa mama mo tuwing tanghali. Ayan na naman ako, sinusumpong na naman ng kalungkutan pagsapit ng alasdos Hahahaha. Kamis maging bata ulit (⁠'⁠ ⁠.⁠ ⁠.̫⁠ ⁠.⁠ ⁠'⁠)

Sana magustuhan niyo ang kwentong ito. Enjoy reading!



***


[Featured Song] "Kanlungan" by Noel Cabangon

Si Ostin na kilala sa pangalang Boyot na dugyot. Kilala siya sa kanilang nayon na pasaway at masigasig ngunit mabait at magalang. Paborito siya ng mga matatanda sa lugar nila dahil pilosopo itong sumagot at mabiro. Si Boyot ay siyam na taong gulang na. Hari siya sa mga pang kalyeng laro dahil bihasa at magaling siya ritong makipag laban lalong lalo na sa mga sipa, holen, goma, text, pogs at iba pang nakakaaliw na libangan. At kong ikaw naman ay makikipaglaro sa kanya ng dagitan, asahan mong sa iyong pag uwi ay punit na ang suot mong damit.

"Aling Nora! Mukang naisahan kana naman ng batang iyon" Nailabas ni Aling Nora ang ulo niya sa kanyang tindahan habang kunot nuo nitong sinundan ng tingin si Boyot na kumakaripas na ng takbo palayo sa kanyang bahay. Mababa ang salamin ni Aling Nora.

"Anak ng tokwa! Ang batang iyon ay talaga namang tuso. Nangutang ba naman ng isang supot ng bangus para daw baon nila ng ate niya. Iyon pala ay magba bahay- bahayan na naman sila ng mga kalaro niya" Tumawa ang lalaki na tumambay sa tindahan ni Aling Nora.

"Ang batang iyon, mukang natulugan siya ng kanyang ina, Hahahaha. Hayaan niyo Aling Nora. Tutal, malapit narin ang aking kaarawan ay ako na lang ho ang magbabayad ng kinseng bangus para kay Boyot"

Ninong ninungan ni Boyot ang lalaking binatilyo.

"Nako naman, Hahahahah. Sige, akin na"

"Boyot dito! Nasa itaas ako ng puno!" Sumigaw ang kaibigan niyang si Jukoy.

Pumunta si Boyot sa tambayan nila. Dito sila nagkikita pagkatapos ng tanghali.

Laging inaantay ni Boyot na makatulog ang mama niya para makalabas siya ng bahay.

Samantalang si Isay naman ay kararating lang dala ang saranggula niya. Sumabit ito sa kabilang puno.

Ang malawak na lupain na sa gana sa makukulay na damo at ibat ibang mga ligaw na bulaklak ay tila isang paraiso sa paningin nila. Mayroon ditong magkakalayo na puno ng mangga. Mahilig silang magdausdos sa mababaw na bangin kalapit roon gamit ang katawan ng saging.



"Boyot! Jukoy! Isay!" Lumingon sina Boyot at Isay sa likuran. Napayuko naman si Jukoy na nasa itaas ng puno para silipin ang sumigaw. Kumaway ang kalaro nilang si Dino, ang batang laging may panyo at pulbo sa likod. May dala itong apat na mahahabang kahoy. Ibinaba niya ito sa harap nila.

"Nakakita ako ng kahoy sa saingan namin!" Ani ni Dino na pawis na pawis.

Balak nilang gumawa ng bahay bahayan para may tambayan. Itatayo nila ito sa ilalim ng puno.

"May dala pala akong bangus. Oh, mag miryenda mona tayo" Tinaas ni Boyot ang buong supot ng bangus.

Umakyat si boyot sa puno, gayundin si Isay habang si Dino naman ay nakaupo lang sa ilalim ng puno. Sumenyas siya na ayos lang siya roon. Hindi siya marunong umakyat kaya lagi lang itong nasa baba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Balik tanaw sa pagkabata (One-shot)Where stories live. Discover now