CHAPTER 6

276 29 18
                                    

Napalingon si Rake sa side mirror ng passenger door. He wanted to make sure that he was not seeing things sa gitna ng kadiliman.

May tao ba talaga siyang nakita sa may matataas na damo sa gilid ng kalsada? Ang tanong ng kaniyang isipan.

He stepped on the brake at saka niya sinilip muli ang side mirror at mula sa liwanag ng tail lights ng kaniyang SUV. And his gray eyes could see the silhouette of a person that was walking towards the opposite direction of the road.

May mga tao na nakatira dito? Baka naman iyun na ang tamang panahon na magtanong na siya. He really need help on pointing him to the right direction kung saan ba talaga ang tinutunton niya lalo pa at wala siyang signal and the last thing he needs ay ang maubusan ng gasoline sa madilim na bahagi ng Pilipinas.

Bacause of frustration ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. But because he didn't know kung safe ba na iliko niya ang kaniyang sasakyan ay paatras niyang pinatakbo ito. At tiningnan niya ang silhouette ng taong naglalakad sa kanan na bahagi ng daan.

At dahil sa kahit pa mabagal na ang kaniyang takbo ay higit na mabilis pa rin naman ang gulong kaysa sa mga paa kaya naman naabutan niya ang taong naglalakad pababa ng lubak na kalsada. Binuha niya ang ilaw sa loob ng kaniyang sasakyan at saka niya ibinaba ang bintana ng passenger door at doon ay bumungad sa kaniya ang imahe ng taong naglalakad.

"Uhm excuse me?" ang pagtawag niya rito.


Nagulat si Liwayway nang may sasakyan na dumaan sa kaniyang harapan. Bahagyang napaatras ang kaniyang ulo at kunot noo niyang sinundan ng tingin ang malaking kulay makintab na abong sasakyan na dumaan sa kaniyang harapan.

Wala nang nabiyahe ng ganun na oras sa kalsadang iyun. Hindi naman kasi iyun ang matatawag na pangunahing daan o sa termino nga ng taga-ibaba ng bundok. Main road o national highway.

Mayroon mang daan sa direksiyon na iyun patungo sa kabilang lalawigan ay hindi pa iyun nagagamit at nadaraanan dahil nga lubak-lubak at wala pang ilaw ang daan na iyun.

Kaya naman kakatwa na mayroong isang malaki at mukhang hindi pampublikong sasakyan na dumaan sa kalsadang iyun.

Kumunot ang kaniyang noo at saka niya tinalikuran ang sasakyan at humarap siya sa kabilang direksyon at sinimulan niyang maglakad pababa ng daan.

Hindi na niya problema kung ano ang ginagawa ng sasakyan na iyun sa lilib na daan. Hangga't hindi ito patungo ng Nabalitokan a Langit ay wala siyang pakialam kung sa kalangitan pa talaga ang punta nito.

Ang importnate sa kaniya sa oras na iyun ay makabili ng gamot ng kaniyang lolo. Naghahabol siya ng oras dahil maagang nagsasara ang mga bilihan sa bayan ng Catalina. At ayaw niyang mangyari muli ang pagkabuwal ng kaniyang lolo.

Laking pasalamat ni Liwayway na maliwanag ang buwna ng gabing iyun. Na hindi na tinakpan ng makakapal na ulap ang kalangitan para muling lumuha. Pinagbigyan siya nito at hinayaan na magliwang ang buwan para gabayan siya sa kaniyang mahaba-habang paglalakad.

Inayos niya ang kaniyang balabal na nakaikot sa kaniyang ulo. Mas nalalabanan kasi ang nanunuot na lamig kung natatakpan ang kaniyang ulo, tenga, at leeg. Nang mayroon siyang napansin.

Napansin niya ang liwanag mula sa likuran na bahagi ng sasakyan ay unti-unting lumalapit sakaniyang direksiyon.

Pumihit ang kaniyang ulo para lumingon sa kaniyang likuran at nakita niya ang papaatras na takbo ng sasakyan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Paano kung isang masamang loob ang sakay ng sasakyan na iyun? Tanging ang kaniyang lolo ang nakakaalam na bumaba siya ng kabundukan.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon