Halos umabot na yung panga namin ni Skan nang pagmasdan namin ang laki ng bahay ni Leighton. Hindi kami agad makapasok dahil napahinto kami sa laki ng bahay. Puro salamin pa. Hindi kaya mabasag lahat ang salamin kapag may magnanakaw na magtangkang basagin yun para lang makapasok?
Ang laking gastos siguro kapag mabasag lahat ng salamin. May sementong poste naman ng bahay at may iilang dingding naman na semento pero puro salamin na kulay itim. Siguro ay hindi ordinaryong salamin yun, hindi yun tempered glass.
"Ate ang laki ng bahay. Ang dami ding mga halaman. Tiyak ang sarap ng buhay ni kuya Leighton dito." Tamang lakas ng bulong ni Skan ang narinig ko.
Siniko ko siya para matunaw yung pagkamangha niya. "Huwag mong sabihin yan sa harap ng maraming tao dahil nakakahiya."
"Hindi naman ah. Saka, tayong dalawa lang ang nandito dahil pumasok na sa loob si Leighton. Kapag maging boyfriend mo siya ate asawahin mo na agad—"
Hindi niya tinapos ang sasabihin dahil tinakpan ko ang bibig niya nang lumabas ulit si Leighton.
His brows were furrowed as he saw me covering my sister's mouth.
"Hey, what are you guys still doing there? Come in. I'll show you the whole house."
"Papasok na kami. Sorry sa abala." sabi ko at nang hindi siya umalis sa may pinto ay tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.
I shot my death glare at here to send a warning not to talk anything. Baka marinig ni Leighton at nakakahiya at sabihin pa na may plano kami na hindi maganda.
"Tahimik ka." bulong ko na nakaipit lang ang mga labi ko.
Inirapan lang ako ng kapatid ko saka ngumisi. Having a sister was actually bad and good thing. I knew it's normal to fight with them and stealing things but sometimes they're the worst enemies ever. I was okay with Skim before but having four younger siblings were... my ends.
Sobrang nakakaloka kapag may mga kapatid na sobrang pasaway. Buti nalang ngayon ay hindi na masyadong magulo kasi malalaki na naman sila. Yung problema ko lang ay si Skim kapag may nakakaaway kasi hindi naman pwedeng pabayaan ko siya kasi wala yung kakampi.
Hindi ko naman siya sinusuportahan sa pagiging palaaway niya pero wala siyang kakampi kapag pisikalan na. Pinagsasabihan ko naman siya—actually ilang beses ko na siyang pinagsabihan na huwag makikipag-away. Pero wala, ang tigas ng ulo.
Pero ang importante ay pumapasok siya sa eskwelahan. Ayokong mapabayaan niya yung pag-aaral niya. Second year na siya at dalawang taon nalang ang iaangat niya para makapagtapos.
Pangarap ko talaga ang makapagtapos kami sa pag-aaral. Yun lang ang pangarap ko kasi kahit mahirap makahanap ng trabaho after graduation, at least degree holder. Parang trophy narin ng isang tao ang mayroong diploma na nagsasaad na nakapagtapos ka na sa unang libro mo.
Yun lang ang pangarap ko para sa amin at syempre yung may magandang trabaho kaming mahanap sa mga susunod na panahon. Yung hindi na kami magtitinda sa kalye at tumanggap ng mga pinanalutong putahe o di kaya ang magpapalaba. Ang hirap ng ganun kasi hindi naman malaki ang pera na nakukuha.
"This is our foyer and the room next to this area is our living room."
Nawindang ako sa luwag ng space sa loob ng bahay. Hindi lang talaga malaki ang bahay ni Leighton—superrr laki talaga.
"And there we have the dining area and the kitchen. Upstairs we have rooms for us and for the guests as well as private toilet rooms and library. Dito sa baba ay may toilet room kami dito pero katabi lang ng kitchen at ng maid's quarter."

BINABASA MO ANG
Leighton (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series V) Bilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya n...