Chapter 15

343 19 11
                                    

Kinabukasan ay kasabay kong kumain si Rich ng agahan. Siya ulit ang naghatid sa akin sa kompanya at nakakapagtaka dahil kahapon ko pa hindi mahagilap si Vernon.

Huminto ang kotse sa may parking lot at kaagad naman akong bumaba. Komportabli akong pumasok sa kompanya ngunit saka ko lang napagtanto na nakasunod pala sa'kin si Rich.

"Good morning po, Sir." Yumuko ang guard at bumati sa lalaking nasa likuran ko.

Medyo binilisan ko ang aking lakad at napapayuko sat'wing may mga empleyadong nakakasalubong at binabati si Rich. I can still feel his presence behind me ngunit diretso lang ang lakad ko patungo sa elevator.

I breathed a sigh of relief upon entering the elevator, I instantly press the top floor button. Mag-isa lang ako sa loob at hinintay ang pagsara ng pinto.

Sa kasamaang palad, biglang pumasok si Rich kasama ang kan'yang sekretarya. Napaayos ako ng pagkakatayo at bahagyang napaatras sa sulok. Pansin ko ang ilang sulyap na ginawad sa'kin ng sekretarya ni Rich habang paakyat na kami sa loob ng elevator.

Rich was standing right in front of me, staring straight ahead. Ilang sandali ay nagsalita ang sekretarya niya ukol sa kaniyang schedule. He nodded at her, and I noticed that he took his phone out of his pocket.

Tahimik lang ako at binaling sa sulok ng elevator ang tingin. After a short while, my phone beeped.

Kinuha ko ang phone mula sa bag at tinignan ang isang bagong message. It was from him. Parehong number kasi 'yon sa nag-text sa'kin kahapon.

From : +69935*******

You will join me later for lunch.

Binalingan ko si Rich bago nagtipa ng reply.

To : +69935*******

Kakain ako sa cafeteria.

From : +69935*******

I'll order us food.

Umarko ang kilay ko nang mabasa ang kaniyang reply. Biglang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Saglit na sumulyap si Rich sa gawi ko bago ito naunang lumabas ng elevator at sumunod naman ang kanyang sekretarya.

I heaved a sigh as I walked out the elevator. Hindi na ako nagtipa ng reply kay Rich at dumiretso na sa aming workspace.

Hindi katulad kahapon ay naging abala ako ngayon sa trabaho. Mga simpleng trabaho lang naman ang binibigay sa'kin ni Laura lalo na't baguhan pa lang ako rito. Sa dami ng ginawa ko ay hindi ko na namalayan ang oras.

"And also, pakihatid na rin ito sa executive suite dahil kailangan 'yan ng vice pres mamaya," utos sa'kin ni Laura at binigay sa akin ang isang folder. "Or, ibigay mo nalang 'yan sa assistant ni Sir Alonte."

I nodded. "Okay. May iba ka pa bang ipapagawa?"

"Last na 'yan Kat, kanina pa nga ang lunch time tapos inutusan pa kita. Si Jef sana maghahatid kaso nasa ibang floor pa siya."

"It's okay." I smiled.

Kaagad akong nagtungo sa executive suite na located lang din sa top floor. Napadaan pa ako sa ilang private offices and meeting areas. Mas tahimik ang parteng ito dito sa top floor kesa sa aming workspace.

Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong ko ang sekretarya ni Rich kasama ang isa pang babae. Abala sila sa pag-uusap.

"Binigyan ka ba talaga ni Sir Richard ng free food?"

"Yes! First time! And I think in-order niya pa 'yun. Walang gano'ng food dito sa cafeteria."

"Ang swerte mo ha. Habang 'yung boss ko never man lang namigay ng free snacks."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Stoled Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon