"It would be better if he was here," I told Clara.
Clara held my hand, giving me comfort. "I know... Pero Oliver's still in the hospital. Nagpapagaling pa 'yon para sa'yo."
I just thought that it would make me much more happy if he was here with me today. Na andito siya sa audience, pinapanood ako. But I can't be mad at him... Hindi naman niya pinili na ma-ospital, eh.
Mayamaya pa ay pinapila na kami. Si Kuya ang kasama ko sa stage mamaya.
"Proud kami sa'yo, Naya," Kuya said and patted my head gently.
After mabigay sa amin 'yung diploma ay doon kami pumunta sa may park malapit sa parking. Balak ko sana ay diretso na akong ospital para bisitahin si Oliver pero inaya pa ako ni Clara mag-picture. Sayang naman daw ang ganda niya.
Clara was busy taking pictures when suddenly, I received a phone call. It was Oliver who was calling.
[Congrats, baby,]
Agad akong napangiti. "Thank you, my love! Kamusta ka na d'yan?"
[Ewan,]
Kumunot ang noo ko. "Anong ewan? May masakit pa ba sa'yo? Kumain ka na ba? Sinong nagbabantay sa'yo?"
[Wala,]
"Huh? Anong wala?" nagtatakang tanong ko. Bakit wala siyang bantay? "Nasaan si Tita?"
[Nasa bahay,] sagot niya.
"Bakit wala kang kasama? Teka, papunta na ako." Nagmamadali kong sabi at inend ang call.
Hinanap ko si Kuya at Clara pero nawala sila bigla. Nang makita ko si Clara ay ang laki ng ngiti niya. Siguro may bago na namang crush ang bwisit na 'to!
"Clara, una na ako," paalam ko.
"Bawal," tumatawang sabi ni Clara.
"Walang kasama si Oli sa ospital," sabi ko. "Pasabi kay Kuya nasa ospital ako, ah?"
Clara shook her head. "Sinong pupuntahan mo sa ospital?" tanong niya.
"Si Oli," sagot ko. "Naka-shabu ka ba?" inis na tanong ko.
"Sino?"
"Si Oliv-" napatigil ako nang biglang may bouquet sa harapan ko.
Pagtalikod ko ay nakita ko si Oliver.
"Surprise, my love," he chuckled.
Agad naman akong naluha nang makita siya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.
"PDA!" sigaw naman ni Clara.
Nang kumalas ako sa yakap niya ay binigay niya sa akin ang bulaklak.
"Alam mo, bwisit ka!" Hinampas ko ang balikat ni Oliver.
"Sakit, ah?" hinawakan niya ang braso niya na hinampas ko. "Ayaw mo ba?" ngumuso pa siya.
"Gusto..." I pouted. "Pero sana sinabi mong pupunta ka! Kainis ka so much, bebe!"
"May surprise bang sinasabi?" biro ni Oliver.
"Kaya naman pala hindi ako pinabisita ng isang linggo," I rolled my eyes.
Oliver just laughed. He suddenly held my hand.
"Xanaya," he called.
"Hmm?"
"I love you," he said.
I smiled. "I love you most, Oliver."
"Ah," bigla siyang napahawak sa ulo niya.
Nag-alala ako bigla at nabitawan 'yung bulaklak na hawak ko para tulungan si Oliver. Napaluhod siya sa harap ko habang hawak pa rin ang ulo niya.
"Hoy! Anong masakit?!" Nag-aalala kong tanong.
Umayos siya nang pagkakaluhod at may kinuha mula sa bulsa niya.
My eyes instantly pooled up with tears when I saw him kneeling one knee in front of me, holding a small black box.
"Bwisit ka talaga!" Umiiyak kong sabi.
"Shet! Double surprised!" Hirit naman ni Clara.
"Xanaya," he called me again.
"Yes!" sigaw ko kahit wala pa naman siyang tinatanong.
"Wala pa 'yung tanong, eh," natatawang sabi niya. Tumikhim siya bago umimik. He opened the small box and I saw a silver diamond ring inside.
"Let's go!" Pumalakpak si Clara.
Oliver looked at me in the eyes. "Sasamahan mo ba ako hanggang sa huli, Xanaya?"
I smiled and nodded. "Yes, Oliver! Yes na yes!"
He smiled and took out the ring from the box to put in on my ring finger. He stood up and hugged me.
"Mahal na mahal kita, Xanaya." He whispered and kissed the side of my head.
"Mahal na mahal din kita, Oliver. Sobra." I replied.
And this is it.
We are ready to spend infinity together.
Nothing could stop us now.
Mamahalin namin ang isa't-isa... hanggang sa huli.
~
(This chapter is dedicated to my beby! Wag na sad BAHAHAHHAHA)

YOU ARE READING
Going Back To Yesterday
RomantizmEver since she was a kid, Xanaya Eloise always dremt of being a writer. Then one day, a big opportunity came in her way. She was asked to write a story about love. She didn't know what to write about it not until she thought of writing about her own...