Napa isip ako kung mag s-seminaryo ba ako o hindi, pero parang may calling na nangyayari, ito na nga ba ang aking bokasyon?
FAST FORWARD >>>
“ tulog na tayo? ”
“ una ka na. ”
“ okay ka lang? ”
“ … oo okay lang.”
“ ‘yung totoo? ”
“ oo nga. ”
“ nanlalamig ka nanaman? ”
“ … ”
“ bahala ka nga riyan. ” Tumayo si Lesther at lumabas ng kwarto, narinig ko rin na sumarado ang pinto sa sala. Paniguradong lumabas siya
[Lesther's pov]
“ papa? ” tanong ko sabay katok sa pintuan. Agad naman niyang binuksan ang pinto at pinapasok ako
“ anong meron 'nak? Anong oras na ah, ba't gising ka pa? ”
“ si Leo po kase, nakakawalang gana kausap. Parang ang cold niya po saakin, may nabanggit po ba siya sainyo? ”
“ wala naman, baka pagod lang? O baka wala sa mood. ”
“ baka nga po, okay lang po ba dito po muna ako? ”
“ kung kakasya tayo sa kama ko, maliit lang eh ”
“ kahit po dito lang ako sa sofa, 'di man po ako mag tatagal dito. Mag papalipas lang ng oras ”
“ sige, sasamahan na kita rito para naman 'di ka nag iisa rito sa sala. Matanong ko lang 'nak, pumasok ka na rin ba sa pag s-sakristan? ”
“ opo, aspirant po ako ”
“ naniniwala ka ba sa "cursed" ang pag mamahalan ng dalawang sakristang binata? ”
“ huh? Hindi po papa, ‘di naman po siguro totoo 'yun. Teka ano po ba 'yung minimean niyo? ”
“ eto lang naman 'yung napapansin ko tsaka mga nakakarating sa'king kwento, nung pari pa ako. Hindi raw nararapat na mag mahalan ang dalawang binatang sakristan, dahil 'yung isa ay posibleng pumasok ng seminaryo. Eto 'nak 'yung napapansin ko lang ha? Naka depende naman 'yan sa kaniya kung mag s-seminaryo siya at hindi ko naman kayo pinag hihiwalay. ”
“ opo papa naiintindihan ko naman po. ”
“ alam mo anak, nung nakilala ko ang mama mo. Pari na ako nun, may anak siya sa ibang lalake. Si kuya Anthony at kuya Matthew mo. Magkaibigan lang kami nung una, pero habang tumatagal lalo akong nahuhulog sa kaniya at dumating na sa point na umalis na ako sa pag p-pari and naging kami.. Minahal ko siya at tinanggap ang mga kuya mo hanggang sa nabuo ka, at ipinanganak ka niya. Ikaw ang panganay at bunso ni papa, kaya nga mahal na mahal kita eh. Nag samahan kami ng mama mo at mga kuya mo until nalaman ko na may kinakasama na pala siyang iba, nasa usa na tayo nun. Nung nalaman ko 'yun, nakipag hiwalay agad ako at umuwi ng pinas. Ni hindi ko inisip kung paano ka, paano si kuya tonton mo at kuya Matthew mo. Bumalik ako sa pag p-pari, at nawalan na ng contact sainyo. Kaya nga ngayong nag kita na tayo, malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. At masaya nga ako na after so many years, nag kita kami ng panganay ko. ”
“ papa, nuong pumasok po kayo ng seminaryo. May reason po ba? ”
“ oo nak, nag decide ako na mag seminaryo nung unti-unti nang nalalagas pamilya natin. Pakiramdam ko, maiiwan ako mag isa. Kaya nag pari ako. At kung iisipin mo na bakit hindi ako humanap ng mapapangasawa? Kase natatakot ako, natatakot ako na… Iiwan rin ako, alam kong hindi sila mag s-stay kaya nag pari nalang ako. ”
BINABASA MO ANG
SEMINARYO
Romancethis story is a Filipino BL story, about two young men who are roommates who gradually fall for each other and enter the sacristan at the same time. Until one of them fell out of love, and responds to "The Lord's Call" and started going through semi...