Author's note:
I'll be honest to you. Magulo ang utak ni Author kaya magulo rin ang chapter na ito. Geez. be considerate, guys! thank you!
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga habang nakatingin sa malayo.
Nalilito na ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Ang mga misteryong bumabalot sa eskwelahang ito ang siyang bumabagabag sa akin.
Bakit mga SWS ang kadalasang biktima?
Anong sekreto ang nalaman nila dahilan upang humantong sa ganoon ang buhay nila?
At ang mga tao sa paligid ko..
Si Sid..
'Don't judge him by his outer appearance, Ellaine Dina. Most of the criminals wear their masks to hide their identity. Wag kang pakasisiguro. You still don't know him.'
Si Ghian/John Nithan..
'...to get some clues from him...and I already found one.'
Si Allison..
'Insan, makinig ka. Don't just easily trust the people around you. You've got no idea what may happen.'
At si Gray...
'Kung gusto mo pang mabuhay, huwag kang maging curious sa lahat ng bagay.'
At ang tatlong lugar na iyon..
'Sa school na ito, tatlong lugar lang ang hindi mo dapat pasukin kung gusto mo pang humaba ang buhay mo. Una, Dark Forest. Pangalawa, Museum. And the last, the Abandoned Library.'
"Nalilito ka na ba?"
Ipinihit ko ang aking ulo sa direksyon ng taong nagpakawala ng tanong na iyon. Natagpuan ko siyang nakasandal sa pader at kinakalikot ang cellphone niya. Base sa tunog na nadidinig ko, masasabi kong naglalaro siya ng Clever Blocks.
Huminto siya sandali sa paglalaro nang maramdaman ang paglingon ko sa kanya't isinilid sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone na ginamit niya. Tumayo siya ng tuwid at diretsong tumingin sa aking mga mata.
"Nalilito ka na ba?" Pag-uulit niya sa tanong niya sa akin kanina.
"Saan?" Kunot noong tanong ko sa kanya
"Sa kasong hinahawakan niyo ngayon. This case is totally different from your first. Sa pagpatay kay Jasmine, madali mong nahulaan kung sino ang pumatay. Bakit? Dahil nakakalat ang mga clues at isang beses niya lang itinanggi ang paratang sa kanya at umamin na. Tila ba may nag-utos sa kanya na ganun ang gawin niya. Nakapagtataka diba?"
Tama siya. Yun din ang naramdaman ko nung oras na iyon. Pero, ang ipinagtataka ko ay kung paano niya nalaman yun? Hindi ko matandaang nakita ko siya sa crime scene kung saan ibinunyag namin kung sino ang pumatay kay Jasmine.
"Member ako ng Student Council. Kung sakaling nagtataka ka kung paano ko nalaman ang tungkol doon."
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Hindi na ako nagsalita pa bagkus ay hinintay ko lang siya na magpatuloy sa sinasabi niya.
"And now, sa case ni Ivan. You saw it clearly that it was a murder, right?" He paused. "Yet you should say it's a suicide. Why? Because the culprit may take your life away if you tell them. Mahirap diba?" Isang mapanglokong ngiti ang nakita kong gumuhit sa mga labi niya matapos sabihin ang mga katagang iyon.
BINABASA MO ANG
Alta Casta Academy
Misterio / SuspensoCuriosity killed the cat. So STOP BEING CURIOUS!!!! Being a transferee, Ellaine Dina Altamira begins her new journey as she travels around the buildings of Alta Casta, finding the endangered secrets that caused the mysterious deaths of her schoolmat...