-'✮´-
°°°°
Gago parang 'di tinulungan, ah?! He said that?! Na-conscious ako sa amoy ko kaya inamoy ko agad ang damit. Ngayon ko lang na-realize na labahin pala ang nasoot kong damit!
Napasipa ako sa kalsada randomly dahil sa kahihiyan.
‘Yon nga pag-uwi ko sa apartment, naligo agad ako. Sino ba namang hindi pagpapawisan, eh galing ako sa paglilinis tapos bigla nalang siyang tumawag tapos napapunta ako ng wala sa oras para tulungan siya.
Hinayaan kong bumuhos ang malamig na tubig sa ulo ko. Kanina pa ako tulala sa kawalan. Humarap ako sa salamin, hawak-hawak ang shave para tanggalin ang maliliit na bigoteng tumutubo sa baba.
Nang matapos ay lumabas na ako ng banyo. Nagsoot lang ako ng underwear and oversized tshirt. Nilibot ko ang tingin sa kwarto ko. All the things are perfect. Si-net up ko ang laptop para makapag-umpisa na ako.
'Yong street foods na binili ko kanina ay ininit ko na rin. Kaya sobrang satisfying sa pakiramdam. Kakatapos lang rin ng exam kaya walang task na naka-pending. Ayos to!
My phone beeped, tinignan ko lang iyon saglit. May message na pumasok pero hindi ko pinansin. Abala ako sa paghahanap ng movie.
Naulit ang pagtunog ng selpon. Bumuntonghininga ako at tinignan na iyon. Unknown number pero alam kong kay Adamson na naman iyon galing.
Unknown Number:
punta ako sa apartment mo ngayon
Ako:
at baket?
Unknown Number:
magpapatulong lang ako sa 'yo sa project sa isang sub. nakita kong nakapagpasa ka na kay ma’am :)
Ako:
kapal ng mukha mo!
Unknown Number:
punta nako ha?
Kagat-labi kong tinignan ang last message niya. Hindi ko nalang siya pagbubuksan ng pinto, ganon nalang gagawin ko, tama!
Nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap ng movie. Naubos ko na rin ang pagkain ko pero hindi pa rin siya dumadating. Sinulyapan ko ang orasan, mag aalas cinco na ng hapon.
Nag-aagaw na rin ang liwanag at dilim sa labas. Hanggang sa lumabas na nga ako ng apartment para tumambay sa tindahan. Marami ding nakatambay na naglalaro ng ML kaya naaliw ako. Sa kabilang bahagi, may nagtitindang barbeque na sobrang daming mga chismosang mga nanay ang nandodoon.
Bumili ako sa tindahan ng kape ko para bukas. Hindi muna ako umalis dahil hinihintay ko nga si tanga. Sabi niya pupunta siya kaya aantayin ko 'yon. Pero nagdilim nalang ang buong paligid, wala pa rin akong nakikitang bulto niya.
Umalis na ako ng tindahan at nagpasya ng pumasok. Minsan parang ang weird ko na lately sa mga pinanggagawa ko sa buhay. Napanguso ako dahil napaniwala naman ako sa gagong iyon! Pagmakita ko ulit ‘yon, ihihilamos ko talaga sa kanya ang pakyu ko.
Paakyat nako sa pangalawang palapag nang tumunog ang selpon ko. Mas mabilis pa kay flash ang pagdukot ko sa bulsa para tignan kung sino ang nag-message.
Unknown Number:
nasa labas nako ng apartment mo. labasin mo ko, hindi ako pinapapasok ng bantay niyo
Umikot ang mata ko, nanggigil sa kanya. Tinanguhan ko ka agad si Mang Randy na papasukin ang gago. Nagkakagulo na kasi sila pagdating ko.
Nang makasok si Adamson ay binigyan niya ka agad ako na ngiting nang-aasar. Hindi ko iyon binigyan ng pansin dahil nasa kamay niya ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
Around Your Way (Rainbow Series #1)
RomansaRainbow Series #1. complete [unedited] Walang label pero may feelings, pwede pala 'yon? *** Kasing bilis ni flash ang nangyari sa pagitan ng dalawa. Mayroong mga common friends kaya hindi maiwasang magkalapit. May mga tao talagang kahit wala pang gi...