-'✮´-
°°°°
"Sa tabi-tabi lang." Sabi ko, siniko ko siya ng pabiro. Nanatili namang nakakunot ang noo niya.
"Kumain kana?" Tanong ko, naninimbang ang tingin. He is lying on the floor now, nakatingin sa kisame. Hindi man lang nag-abalang tumingin sakin.
"Hindi na, uuwi rin naman ako maya-maya."
Kahit na sinabi niya iyon ay nagluto pa rin ako ng hotdog, tapos naman din akong kumain sa bahay nila Rex, pero baka nagdadahilan lang itong si gago. Nahihiya lang dahil may utang pa sakin.
Nang matapos akong magluto, pumasok ako ng banyo para makapaglinis ng katawan. Paglabas ko ay ganoon pa rin ang pwesto niya. Inayos ko ang comforter sa kama ko habang sinisipat siya ng tingin, ang tahimik niya ngayon kaya nakakapanibago.
Nahiga nako sa kama nang matapos. Kinalikot ang selpon kahit wala naman talagang pakay. Gusto kong manood ng video sa FYP pero hindi ko magawa-gawa. Parang mas bagay lang yata na tahimik lang kami dito.
Bigla ay naisip ko kung may mali ba akong nagawa sa taong 'to? Wala naman, pero baka nagtampo dahil hindi ako nag reply sa kanya? Hindi ako kinakausap, eh.
Naputol ang pag-iisip ko nang manood siya ng basketball sa selpon. Sinilip ko siya pero nakakunot pa rin ang noo, hindi yata nasisiyahan sa panonood.
Napahilamos ako ng mukha t'saka tumayo. Pumangewang at hindi alam ang gagawin. Tangina, kakausapin ko ba 'to? Bakit ko naman gagawin 'yon?
Ang ending, naupo ako sa lapag. I staring him. Ang isang kamay ay inunan niya habang ang isa naman ay nakahawak sa selpon. Hindi talaga siya tumingin sakin magmula kanina pagpasok namin. Gago na din yata ako dahil ginagawa kong big deal iyon.
"H-hindi ka pa ba uuwi?"
"Pinapauwi mo nako?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Ano ba 'to? Normal pa ba 'to?
Dahil sa kakapalan ng mukha ko, tumabi ako sa kanya at nakinood ng basketball. Hindi naman siya pumalag kaya mukhang okay lang sa kanya.
"Galing kami sa bahay ni Rex, tutulong dahil mangangampanya kami next week. He's dad running for the mayor's position."
Hindi siya kumibo, para tuloy akong tangang nagpapaliwanag dito. Ano ba 'tong ginagawa ko?
Nauubos na ang pasensya ko sa taong 'to. Sasapakin ko nalang 'to para matapos na. He continues watching reels videos. Puro mga basketball ang lumalabas sa feeds niya.
Inabot ko ang selpon niya t'saka tinago iyon sa likod ko. Sawakas tumingin na rin sakin, sobra nga lang sama.
"Akin na," utos niya, umiling ako, ngumisi. Sarap namang asarin nitong ulupong na 'to.
"Eldron, hindi ako nakikipagbiruan." Madiin iyon at nakakamatay. Dinaganan ko siya, lalong inasar. Umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin.
Nakatukod ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng katawan niya kaya halos soot lang namin ang nagdidikit.
"Can I. . .kiss you?" Ang unang nabulaslas ng bibig ko. Nakasiwang ang labi niya at mukhang nanghahamon iyon.
"Joke lang ang seryoso mo kasi." I pulled up myself, binalingan ang wall clock. It's time to sleep. Muli kong tinitigan si Adamson na naiwang naguguluhan. Ngumisi ako pagkatapos ibinagsak ang katawan sa kama.
Naging hectic na naman ang schedule ko dahil sa sunod-sunod na namang task na gagawin. Medyo nakakabaliw ang engineering, nakakadugo ng utak.
Dumating ang unang araw ng pangangampanya nang mga candidates sa election. Kapag weekend ay nakakasabay ako sa kanila sa pangangampanya. Next month pa naman ang botohan kaya malayo-layo pa ang tatahakin ng election.
BINABASA MO ANG
Around Your Way (Rainbow Series #1)
Lãng mạnRainbow Series #1. complete [unedited] Walang label pero may feelings, pwede pala 'yon? *** Kasing bilis ni flash ang nangyari sa pagitan ng dalawa. Mayroong mga common friends kaya hindi maiwasang magkalapit. May mga tao talagang kahit wala pang gi...