-'✮´-
°°°°
I'm not good at cooking kaya nanood lang ako sa YouTube kung paano lutuin ang powder soup, nabili ko lang sa tindahan sa tapat ng apartment building ni Adamson. I'm frustrated the whole time about dahil nakailang paso na ang dila ko sa pagtikim-tikim.
Madali lang naman lutuin, magpakulo kalang ng tubig saka mo na iyon ibubuhos ang powder soup.
"Gumamit ka ng apron, Eldron." Muntik ko ng masagi ang pinapakulo ko dahil sa pagkagulat. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa likod ko!
He put the apron on my body. Lumayo naman ako ng kaonti sa niluluto ko, natutop ang bibig dahil ramdam ko ang init ng katawan niya.
"Maliligo muna ako," sabi niya. Hindi na ako tumugon dahil nablangko ang utak ko saglit.
Nilagay ko na agad ang nilutong soup sa mini table niya pagkatapos maluto. He has a good room. Mas maganda ang style compared sa tinutuluyan ko.
Inayos ko ang higaan niya habang naliligo pa siya. Katulad lang din naman ng apartment room ko. Makikita mo na agad ang whole room, dahil hindi naman nakabukod ang room sa living area.
Naupo ako doon sa kama, nagcheck ako ng mga message.
Maraming mga messages, pero inuna kong tinignan ang usapan sa GC naming apat. Nagulat ako doon dahil sinali nila si Cruz sa GC.
Umarko ang kilay ko habang nangingiting binabasa ng paulit-ulit ang pangalan niya. Ang unique kasi! Hanggang mag pop-up sakin ang notification na in-add niya ako sa facebook.
In-accept ko ka agad iyon, aba gusto ko pang bumalik do’n sa lugar nila 'no! T'saka malaking tulong ang discount kapag na kaibigan mo 'tong si Soronzo.
Naiwala ko lang ang tingin sa phone nang lumabas si Adamson sa banyo. Nakasabit sa kanyang balikat ang white towel, tanging manipis lang na short ang suot niya. Sumisilip pa doon ang garter sa soot niyang underwear.
"Tapos kanang magluto?"
I nodded, binitawan ko ang selpon ko saka nahiga sa kama. Hinayaan ko lang na nakabitin ang dalawang paa ko. Sinundan ko siya ng tingin, tumungo siya sa mini refrigerator niya para kumuha doon ng mineral water.
Habang nakatalikod siya, nakikita ko ang mga butil ng tubig na tumutulo sa katawan niya galing sa basang buhok.
Napakurap ako nang magsalita siya. "Pasuyo ako, beb. Pakuha ng damit diyan sa cabinet," utos niya, napahawak ako sa baba ko. Ano'ng tinawag niya sakin? Matatawag ko na ba 'yong endearments? Corny niya gumawa! Pero bakit natutuwa ka, Brent? Eh, kahit nga landian label, hindi pa rin matatawag ganoong set-up sa inyo.
Kumuha ako ng simple na tshirt, may design iyon. Hinagis ko sa kanya at nasalo naman niya. Bumalik nako sa pagkakahiga, kapagkuwan, kinuha ko ang selpon at nag scroll sa facebook.
Sinisigop na niya ang soup kaya napangiti ako. Sa gilid ng mata ko ay sinusoot niya pa ang damit na inutos niya sakin. Nakakunot ang kilay nito habang ninanamnam ang lasa ng soup. Masarap 'yan! Chicken flavor, parang aroskaldo nga ang dating ng lasa.
Mayamaya pa, inabot niya ang paa ko, I glared at him kung ano iyon. Akala ko magpapasuyo na naman nang kung ano. Sumenyas lang siya sakin kaya na kuryoso ako. Nang makaupo sa kama, tumingin agad ulit siya sakin and this time, kamay ko naman ang inaabot niya. Nagtataka ako sa kinikilos niya, pero nagpatianod pa rin ako. Epekto ba 'to ng lagnat?
Naupo ako sa lapag, katabi niya, pinalupot niya sa leeg ko ang isang kamay para makasandal ako sa leeg niya, habang ang isa ay abala sa pagkuha ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Around Your Way (Rainbow Series #1)
RomanceRainbow Series #1. complete [unedited] Walang label pero may feelings, pwede pala 'yon? *** Kasing bilis ni flash ang nangyari sa pagitan ng dalawa. Mayroong mga common friends kaya hindi maiwasang magkalapit. May mga tao talagang kahit wala pang gi...