07

58 2 0
                                    

-'✮´-

°°°°

Nagising ako hindi dahil sa alarm clock, kundi dahil sa lalaking nakadagan sakin. I can feel my whole body aching. Sobrang sakit ng likod ko dahil hindi naman gaano kakapal ang poom ng kama.

Hindi ako makagalaw dahil dikit na dikit si Adamson sakin. Idagdag pa ang mukha niya na nakasubsob sa leeg ko, ang isang paa ay nakadagan sa may tiyan.

Sinikap kong dumungaw sa bintana, may liwanag ng pumapasok sa unit. Wala naman akong hangover pero feeling ko ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Is just that. I can't move my body because of him.

"A-ang sakit ng ulo ko." Biglang ungot niya, inalis ang pagkakasubsob sa mukha sa leeg ko.

"G-good morning, Engr." He greeted, umirap ako saka iwinaksi ang paa niyang nakadagan sakin. Bumangon na ako para makapagbreakfast.

"I chatted with you last night, but you didn't reply to me." Pag a-alburuto ni gago. "And I called you many times!" Hindi ko na siya pinakinggan, inabala nalang ang sarili sa patingin-tingin sa mini ref kung ano ang available na maluluto.

Konti nalang ang stocks ko ng pagkain, idagdag pa na katapusan pa si papa magpapadala. Paubos na 'yong allowance ko.

Naramdaman ko siya sa likod ko kaya bigla akong na conscious sa presensya niya. Maingat ang galaw ko habang hinihimigan siya. May dalawang itlog pa naman at saka hotdog. Ito nalang ang last stock ko, wala na akong makakain mamaya.

Nilagay ko na ang pan sa stove, nang mainit-init na ay saka ko nilagyan ng oil. Pati oil pa nga, mukhang last gamitan ko na ito.

"Anong lulutuin mo, mhm?" Si Adamson, nakayakap na sa likod ko. Napakagat ako ng labi para pigilan ang kiliti ko sa may bewang. Nanlalambing ba 'to? Sarap naman malambing kung ganon.

"Hotdog saka itlog." Malamig kong sabi. Tumawa siya malapit sa tenga ko kaya nakaramdam ako ng kiliti doon. Tangina talaga nitong lalaking 'to!

Nagulat ako nang patayin niya ang stove. Ni-hindi pa nga tapos magluto! I try to elbow his stomach para mapabitaw siya sa pagkakayakap sakin, pero it doesn't work. Dahil mabilis niya iyong nahawakan ang kamay ko. Pinaharap niya ako sa kanya at mabilis na hinagkan ang labi ko. Hindi ka agad ako nakabawi dahil sa bilis niya.

After his tongue got in my mouth, he held my hand on his bulge. Kaya natulak ko siya sa bigla. He's still wearing his fitted jeans, kaya humulma talaga ang nasa loob no’n.

Namula ang mukha ko dahil sa idea na gusto niyang mangyare. Hindi pa bukas ang isipan ko sa mga ganyan dahil hindi pa naman ako tapos mag-explore sa mga bagay na bago sakin.

"I have it here, if you want." Pilyo niyang sabi, akala ko maiinis siya sa pagtulak ko. Sinuntok ko lang siya sa tiyan niya para tumigil na siya sa kagaguhan. Wala rin akong tiwala sa sarili ko. Baka kung ipilit niya sakin na gawin ko iyon, baka nga magawa ko. Kalalaking tao, ang rupok!

He kissed my cheeks before going to the bathroom. Maghihilamos yata, hindi ko nalang pinansin dahil nasusunog na ang piniprito kong hotdog.

"Uuwi nako, Eldron." Sabi niya pagkalabas ng banyo. Sumulyap ako sa kanya habang nagsasalin ng mainit na tubig sa mug.

He put his things in his mini bag, tapos ay tumingin ulit sakin. Lumapit siya sa island counter, kumuha siya ng pandesal saka iyon nilantakan. Uminom pa siya sa gatas ko. It's fine for me. Wala namang problema sakin. 

Hindi ko siya matignan dahil inaabala ko ang sarili sa phone ko. Wala naman akong sadya, dahilan ko lang iyon para hindi ako magfucos sa kanya.

I feel annoyed for him. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nainis ako nang sabihin niyang uuwi na siya.

Around Your Way (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon