08

50 3 0
                                    

-'✮´-

°°°°

Pasukan na naman kaya may pagkaka-abalahan na ako.

It's too long to forget him. Yeah, I admitted that I fell for him. Wala, eh. Mahina ang puso ko pagdating sa mga ganyan.

Pagkatapos nang pangyayaring iyon, olats na. Sobra talaga akong umasa sa kanya to the point gusto ko na siyang puntahan sa apartment niya para makausap siya tungkol samin.

Nasa malaking pabilog na lamesa kaming tatlo. Si Rexter nalang ang hinihintay namin para makakain na kami ng lunch.

Nandito kami sa bagong kainan sa tapat ng university. Panay na nga ang tingin samin ng mga staff dahil hindi pa kami omo-order.

"Chinat mo na, pre?" Si Seldo na inip na inip na kakahintay. Eto namang si Daei, busy sa pag s-strum ng gitara niya.

"Oo, sabi on the way naman daw siya," sabi ko at tinignan pa ang huling chat ni Sanmabinat. Dahil matagal si Rexter ay om-order na kami ng una. Nakakahiya na rin dahil occupied na lahat ang mga tables nila at saka andami pang waiting sa labas.

"Sorry mga, pre."

Napatingin kami ng sabay sa kanya. Tagaktak ang pawis ni gago at magusot ang uniform.

Dahil maputi si Rex ay talagang bumagay sa kanya ang sky blue uniform ng criminology. I agree with them, nagmukha talaga siyang fvck boy sa semi kalbo niya.

"Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ni Seldo. Kuryoso rin ako sa sagot niya kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain.

"Galing ako ng office ni Dad." Paliwanag niya. "Nagkuha ng allowance."

Nag-order na rin si Sanmabinat ng pagkain. Namiss ko rin 'tong salo-salo naming apat. Bihira nalang kase kaming magsama. Idagdag pa na nag-shift si Rex ng course.

Si Daei ay abala na sa sinalihan niyang club last year pa. Pero bilib pa rin ako sa kanya dahil nab-balance niya ang passion at ang pag-aaral. Si Seldo nalang ang kasa-kasama ko dahil siya lang naman ang walang ka inte-interes sa mga organization or club na pakulo ng university. No more tambay na sila sa likod ng building dahil tapos na ang pagiging freshmen era. Minsan nasa iisang room kaming tatlo nila Seldo. Meron pa nga'ng pagkakataon na nasa iisang room din kami ni Adamson.

Isa sa napansin ko sa kanya ang pagkabulky ng katawan niya. Laman na ng gym dahil nakikita ko naman mga my day niya sa Instagram na puro mirror shots tapos topless pa.

Aminin ko man sa sarili ko o hindi, may 1 percent na hope sakin na gustong ituloy ang larong walang label dahil napupunan naman namin ang bawat pangangailangan ng bawat isa. Pero naisip ko din na bakit ako mag t-tiyaga sa taong hindi naman kayang suklian ang pagtingin ko diba?

"Bwesit na P.E ‘to!" Halinghing ko dahil hindi ko talaga gusto itong subject na 'to. Binay-group kami sa limang grupo.

Hindi ko alam sa skwelahang ito kung bakit may P.E ang ENGR. Ano trip nila? Pagsasayawin kami habang pinagmamasdan ang gusali na yumanig?

Tinulak ako ni Seldo kaya mas lalong sumama ang timpla ng mood ko. Muntikan pa akong maumod dito sa gym.

Idagdag pa na ang daming mga estudyanteng nakatingin sa pag p-practice namin. Wala ba silang mga klase?

"Last ka nalang sakin, Do ha." Nagtitimpi kong sabi. Tumawa lang siya at hindi na nga ako inasar.

Buong practice namin ay mabigat ang loob ko. Mapapaisip ka nalang talaga kung dignidad or grades, eh.

Inabutan ako ng mineral water ni Frank. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Ka-grupo namin siya, mabuti nalang hindi namin ka-grupo ang kaibigan niya. Magpapabagsak nalang ako sa subject kung ka-grupo namin iyon.

Around Your Way (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon