-'✮'-
°°°°
Kahit na hapon pa ang klase ko ay maaga pa rin akong pumasok dahil gusto kong icheck si Rexter, if he's okay. Because this kind of situation is not easy to talk about.
Sa gate 2 ako dumaan dahil doon lang ang hangganan ng ruta sa mga tricycle. Ngayon lang ulit ako nakadaan dito simula nung first enrollment ng university.
Sinulyapan ko pa ang phone na ma d-dead bat na. Magdamag yata akong nag c-chat kay Rexter pero hindi siya nag si-seen. Nakailang tawag na rin ako sa kanya kagabi pero out of coverage.
When I was walking, someone caught my attention. Hindi ko na sana bibigyan ng pansin pero nang makita ko si Daei ay kumunot ang noo ko pagkatapos pinagmasdan silang dalawa.
Parang nagtatalo sila dahil iyon naman ang nasasaksihan ko. Pero napaamba talaga akong rumesback nang suntukin ng binatang kulot ang kaibigan ko.
I gritted my teeth, hinihintay na gumanti si Daei pero he never fought back. Umigting ang panga ko dahil sa nasaksihan.
Ang gago hindi gumanti? Sino ba 'yon?
"DAEI!" Tawag ko dito saka maangas na tinanguhan ang binata. Parang nawala bigla ang astig niya nang makita ko. Kuyom na ang kaliwang kamao ko, mukha niya nalang kulang.
"B-brent? Why are you here?" Tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Naramdaman niya sigurong nasaksihan ko ang eksena nila kaya hinila niya ako palayo sa binatang iyon.
"Bakit hindi ka gumanti?" I asked, salubong ang kilay habang tinatahak namin ang rooms ng mga criminology.
Maraming nakatambay na mga students sa labas ng room at nagbubulungan habang naglalakad kami. Hindi ko iyon pinansin dahil hindi talaga ako makaget-over sa gagong ito.
"Hehehe. . .m-master ko kasi 'yon," sabi niya saka inakbayan ako.
"Master mo mukha mo! Nakausap mo na ba 'yong isa?"
Nasa labas na kami ng room ni Rex. He was there pero tulala daw sabi ni Leon. Lumabas siya nang malaman niyang nasa labas kami. Sabay daw silang pumasok ngayon pero kahapon pa daw talaga 'yan tulala. Nagpaalam siya samin na bibili ng makakain.
"Sinong isa ba?"
"Para ka namang others, Daei! Si Seldo malamang." Asik ko pagkatapos sinilip ang loob ng room. Mukhang wala pa namang instructor sila. Gusto ko sanang pumasok. . .
"Baka manapak e, galit na galit nung tinawagan ko kagabi."
Tumambay nalang kami dito half an hour. Pagkatapos ay nagpaalam na rin kay Leon dahil kakain pa kami ng lunch. Ayokong mang-usisa tungkol sa mga nasasagap kong balita sa kanilang dalawa ni Rex. Wala naman talagang problema sakin kung totoo ang mga sabi-sabi na matagal na raw silang may relasyon. Ang akin lang, nag-aalala lang ako kay Rex dahil baka malaman ito ng daddy niya. Hindi ko naman sinasabing may pagka-strict si tito pero baka kasi nang dahil dito ay masira ang relasyon nila bilang mag-ama.
Adamson:
hey, go to my place later after your class
are you eating now?
Hindi ko mapigilang itago ang ngisi sa labi ko. Sabay kaming kumakain ni Daei sa KFC malapit lang din sa university. Kanina pa namin kinontak si Seldo pero halos account at phone number ni gago ay hindi matawagan.
Ako:
why?
baka hindi ako makapunta
si seldo, hahagilapin pa namin mamaya
BINABASA MO ANG
Around Your Way (Rainbow Series #1)
RomansRainbow Series #1. complete [unedited] Walang label pero may feelings, pwede pala 'yon? *** Kasing bilis ni flash ang nangyari sa pagitan ng dalawa. Mayroong mga common friends kaya hindi maiwasang magkalapit. May mga tao talagang kahit wala pang gi...