-'✮´-
°°°°
"Of what you said last night, you want to do it real?"
He's already facing his laptop to finish my ppt presentation later. Kagigising ko lang at ito ang bubungad sakin.
Sumandal ako sa headboard ng kama at saka ko pinagmasdan ang likod niya. Sa isip ko ay hindi ko mapigilang ngumisi dahil bagong ligo na siya and he prepared food for me. Kita ko iyon dahil naaabot ng paningin ko ang lamesa na merong mga pagkain at may umuusok pa na tasa.
"Alin doon, doy?" He stopped on what he was doing, nasa akin na ang tingin niya ngayon. Ngumuso ako para pigilang mangiti.
"Doy, huh? Makatawag ka, parang tropa lang tayo. Tss." He rolled his eyes pagkatapos bumalik sa ginagawa niya.
"Madami naman kase akong nasabi ka gabi," sabi ko and I try to stand up. Napaungol ako sa sakit nang biglang kumirot ang pang-upo ko. Tangenang buhay 'to.
"Urgh, shet!"
I have no intention to distract him, totoo talagang masakit ang pwet ko! Nakailang rounds ba kami? T'saka first ko din 'yong ka gabi, ha?
I groaned again nang sinubukan kong igalaw ang isang binti ko. Napalunok ako ng laway nang manginig ang mga tuhod ko. I tried to relax myself, pero hindi talaga.
Pagdilat ko ay nasa harapan ko na si Adamson na nag-aalalang dinaluhan ako. Kung may lakas pa talaga ako ay sinapak ko na 'to, e! Bwesit ding memoryang 'to, umiinit ang pisnge ko nang maalala ang mga posisyon naming dalawa ka gabi.
"Masakit pa ba?" Hinampas ko ang dibdib niya. Inalalayan niya akong pinaupo ulit sa kama.
He looks so worried to me. Iniwan niya muna ang ginagawa para bumili ng gamot. At para din akong inaasar ng sitwasyon dahil simula no'ng lumabas si Adamson ng unit ay talagang kumirot lalo ang pang-upo ko!
"Here," tinulungan niya ako para mainom ko ang gamot na binili niya. Then he offered me a sandwich that he prepared for me. Mabuti nalang at mabilis lang siyang nawala.
"Tell me if you're not feeling well, kakausapin ko instructor mo na i-postponed nalang ang report mo." He said concernly.
Umiling ako habang kinakagatan ang sandwich na gawa niya. He makes a deep sigh while staring at me seriously. Kita ko ang mga ugat niya sa leeg nang umigting ang panga nito.
Hinalikan niya ako sa noo bago niya tinapos ang ppt ko. Pinag-drive niya din ako papuntang university. Buong week hindi siya papasok dahil may inaasikaso siyang documents para sa business restaurant nila.
"Mag message ka sakin kapag nakauwi kana," sabi niya nang makarating kami sa harap ng university. Kinalas ko ang seatbelt, tumingin sa itaas sa salamin para ayusin ang buhok ko.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pag-arko ng isang kilay niya. Nagtataka siguro kung bakit ako nagpapa-gwapo, e para sa kanya din naman 'to.
Hinila niya ang lace ng ID ko dahilan para mawala ang tingin ko sa salamin. Kinuha niyang pagkakataon iyon para hagkan ang aking labi.
"Sinabi mo sakin ka gabi na totohanin na natin 'to." Sabi niya sa masungit na paraan. Humalakhak ako habang nakabitay pa rin ang dalawang kamay sa likod ng balikat niya.
"Sinabi ko ba 'yon? Wala akong maala—" I burst out laughing nang sundot-sundotin ni Adamson ang gilid ko. Malapit na akong maihi dahil sa ginagawa niyang pagkiliti sakin.
Umayos na siya ng upo nang kinalaunan sumuko na rin. Naka paskil pa rin sa labi ko ang ngiti nang ayusin ko ang uniform na nagusot.
Seryoso na ang mukha niya nang lumingon ako. Nakatingin na siya sa unahan, malalim ang iniisip. Kaya kahit na gusto ko pang kulitin, itinigil ko nalang din ang pang-aasar sa kanya.
BINABASA MO ANG
Around Your Way (Rainbow Series #1)
RomanceRainbow Series #1. complete [unedited] Walang label pero may feelings, pwede pala 'yon? *** Kasing bilis ni flash ang nangyari sa pagitan ng dalawa. Mayroong mga common friends kaya hindi maiwasang magkalapit. May mga tao talagang kahit wala pang gi...