PAG-AMIN . . .
tutal madami na ding may alam na gusto ko si Patrick kaya siguro dapat na din akong imamin sakanya. Hindi pa naman siguro niya alam yun kasi lagi siyang walang balita sa kung ano man yung nangyayari dito sa university.
Lumalayo muna ako sakanya.
Hindi muna ako tumatabi. Hindi ko muna siya kinakausap at kahit ano man. Patingin tingin na ang ako kung minsan.
Habang pumunta muna si Patrick sa rest room may tinanong sakin si Ericka.
“Xandra, may gusto ka daw kay Patrick?”
“ha? Uhm wala. Pano mo naman nalaman?”
“wala, nahahalata ko lang sa kinikilos mo tsaka syempre naririnig ko din. Alam mo na”
“uhh, oo aaminin ko may gusto ako sakanya. Nagkakamabutihan na nga kami eh.”
Parang kinilig naman tong babae.
“Xandra Gonzales-Villa. Bagay. Xandra Gonzales-Villa, Xandra Gonzales-Villa”
Inulit-ulit pa nya yun.
Best friend ko din si Ericka. Actually mas na una ko pa syang naging bestfriend kesa kina Talia, Jazmine, Zyrra, Nicole at Rose Marie.
Pero ngayon medyo nagkakalayo na kami. Iniiwasan ko na sya kasi yun yung sabi ng mommy ko. Baka daw kasi maipluwensyahan pa daw ako. Sa lima ko na lang talaga ibinibigay yung atensyon ko bilang bestfriend at syempre kay Patrick naman bilanh nagmamahal.
Sikat at Famous din si Ericka dito sa university namin. Yun nga lang hindi siya masyadong pinapansin ng mga lalaki at lalo na ang mga babae dahil kilala siya dito bilang malandi, play girl, mapang-akit, magnanakaw at higit sa lahat, hindi na virgin.
Sa lahat ng ayaw ng mga tao dito sa university namin ay yung hindi na virgin. Kahit kasi may mga boy/girlfriend na yung mga studyante dito at lantaran na silang nagyayakapan at magkahawak kamay ay pinahahalagahan parin nila yung virginity.
Kilala din si Ericka bilang magnanakaw. Hindi siya mayaman. Actually kapit sa patalim din yung pamilya nila eh. Plywood lang yung bahay nila at sampu pa silang magkakapatid.
*****
Lunch break na ngayon.
Nung natapos na akong kumain nakita ko si Patrick na tapos na rin. Dito rin kasi siya kumakain sa room eh pero hindi kami magkasabay. Kasabay ko kasi si Jazmine at siya naman yung mga kaibigan niya rin. Nakakahiya naman syempreng lumapit sakanila diba. Siguro isang beses lang kami nagkasabay ni Patrick sa pagkain sa lunch.
Lumapit sakin si Patrick. Nung lumapit siya sakin, naisip ko na sapat ko na talagang aminin sakanya.
“Xandra, pengeng polbo”
As usual alam ko nang may hihingin siya kaya siya lumapit sakin.
Habang nagpopolbo siya at nakatapat sa electric fan, huminga ako ng malalim. Madami ding tao sa room pero mga classmate ko din. Wala namang galing sa kabilang section. Alam ko na ring maririnig nila yung sasabihin ko kay Patrick kasi lagi silang umaaligid sakin.
“Patrick may sasabihin ako sayo”
Hindi ko alam kung panp ko nasabi yun eh.
“Ano?”
“crush kita, may gusto ako sayo.”
Parang hindi mapapaniwalaan yung pagkasabi ko nun.
nagtilian naman yung mga kaklase ko.
“wow, ang lakas ng loob”. Nakangiting sabi sakin ng isa kong classmate.
“weh?, maniwala. Ikaw? Tssk”tumatawang sabi ni Patrick. “wag mo akong lolokohin ng ganyan ah baka magmukha pa akong assuming. Mapahiya pa ako.
Umalis na ang ako na may bakas na kalungkutan.
Siguro mamaya ko nalang sasabihin sakanya. Kapag uwian na. Yung wala ng aaligid sakin.
*****
Uwian na. Nagbell na. Yung mga estudyante ang sasaya. Parang kakalaya pa lang nila sa kulungan.
Hinanap ko si Patrick. Nakita ko siya sa dulo, inaayos nya yung mga gamit niya. Buti na lang wala siyang kasama.
“Patrick pwede ba tayong mag-usap?”
“ha? Saan? Tungkol saan?”
“basta pumunta ka na lang agad dun sa likod ng campus dun sa may damuhan pagkatapos mo nyan mag-ayos. Bilisan mo ha, madami pa akong gagawin sa bahay”
“sige basta ikaw”
Pagkatapos nun dumiretso na ako sa likod ng campus. Naghintay ako ng 5:00 mins bago siya dumating. Mukhang hingal na hingal pa siya ah.
“bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay sayo eh”
“sorry, kanina kasi parang may sumusunod sakin eh. Niligaw ko muna para hindi siya makasunod dito. Mukhang importante kasi yung pag-u--” hindi ko na siys pinatapos sa sasabihin niya.
“Patrick, mahal kita” natulala na lang siya.
“diba sa bi ko wag mo akong bibiruin ng gan--” hindi ko ulit siya pinatapos.
“seryoso ako Patrick. Mahal kita. Napatunayan ko yun sa sarili ko”
“Xandra may gusto din sana akong aminin sayo” tumulo na lang ang luha ko. Mukhang hindi maganda yung aaminin niya sakin. Baka aminin niya na may girlfriend na siya o hindi niya ako mahal o kung ano man. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
“Xandra, Narealized ko na mahal din kita. Natatakot lang akong sabihin sayo yun dahil baka iignore mo lang ako. Alam ko kasing sikat ka at madaming lalaking pwedeng magkagusto sayo na mas better sakin. Sorry talaga. Gustuhin ko man na maging tayo pero may hadlang.”
Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa sinabi niya sakin. Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya. Ano kaya yung hadlang samin?
______
Author's Quick Note:
Ano kaya yung hadlang sa kanila? O baka naman sino. Malalaman din natin yan pero hindi muna ngayon.
Sorry po kung medyo maikli. Medyo busy po kasi ako sa school eh. Bawi na lang po ako sa next chapter. Tnx. Love you all mwaaahhh.
Free to comment and vote.
