PROLOGUE

6 1 0
                                    


Being inlove is not that bad...

But what if you can't control your emotions anymore?

Dapat ma solusyunan ‘yan.
Pero ano ang solusyon?

Ang pag-iiwas ba sa taong iyong minamahal o ang pag papatuloy muli?

Mahirap na desisyon ‘yan para sa isang dalaga na nag ngangalang DJ Heart Montessori. Galing sa isang napakayamang pamilya nguni't ito ay nawasak dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal na ina.

Kaya ang natira lamang sa kanya ngayon ay ang kanyang ama. Nag iisang anak lang kasi siya kaya’t sanay na sanay na siya sa pagiging mapag isa.

Ngunit, kung maganda man ang kaniyang pangalan ay kabaliktaran naman ito sa kanyang ugali. Si DJ ay palaging na ki-kick out sa paaralan na kan’yang pinapasukan sapagkat palagi daw ito na sasangkot sa gulo.

Nang dahil do’n,inuwi siya ng kanyang ama sa Pilipinas upang doon mag patuloy ng pag aaral ‘pagkat lahat ng kan’yang pangalan sa buong paaralan ng France ay nakalista na sa black list.

Walang nagawa si DJ kundi sundin ang kanyang ama. Ngunit sa pag kaka akala nito na sasama sa kanya ang kanyang ama ay kabaliktaran pala. Hinatid lang siya nito sa bahay nila sa Pilipinas at kinaumagahan ay umalis narin para bumalik sa France.

Labis ang pag ka inis ng dalaga sa kanyang ama ngunit inintindi niya lamang ito sapagkat mayroon pa itong inaasikaso na papeles para sa  kompanya nila sa France.

Walang ibang kasama ang dalaga sa mansyon nila sa Pilipinas kundi ang mga katulong lamang. Sinabi din dito ng kan’yang ama na ayos na daw lahat ng papeles nito sa bagong paaralan na kaniyang papasukan.

Ngunit ang tanong, magbabago ba kaya ang ugali nito o mas lalala pa?

Magiging masaya ba ang pagpasok niya sa paaralang ito?

Eclipse Of The Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon