Loving Mr. Unicorn

4 0 0
                                    

Andito ako sa tabi ng isang puno at pinapanood si Unicorn ko. Habang hawak ko ang camera ko at kinukuhaan sya ng litrato.

'hayyy ang gwapo mo talaga Yixing'

Kinunan ko pa sya ng ilan pang mga shot. Maya-maya umalis na rin sya.

'hmmmm. natapos nanaman ang araw na ito ng hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko para sayo'

Naglalakad na ako papalabas ng gate ng meron akong nakabanggang lalake di ko sya kilala kasi nakatingin ako sa phone ko. Tinitingnan ko kasi yung bagong picture ni Lay. Nahulog tuloy yung phone ko.

'sorry miss'

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang boses na yun, kilalang-kilala ko sya. Unicorn ko....

Pinulot nya yung phone at nanlaki ang mata nya ng makita nya ang mga shot nya. Tumingin sya sakin ng naka-ngiti.
Oh crap... ang gwapo nya talaga!!!

'stalker ba kita??'

Inosente nyang tanong. Imbis na sagutin ang tanong nya tumakbo ako ng tumakbo para makalayo sa kanya. Ang puso ko ang bilis ng tibok at parang sasabog. Grabe!! Ang gwapo nya talaga. Pero lahat ng kilig ko biglang naglaho at napalitan ng kaba dahil yung phone ko nasakanya. Lahat ng picture nya andun!! Patay!!

Bago ako umuwi ng bahay dumaan muna ako sa bahay nila Lay. pero nagulat ako ng lumabas sya at hawak nya ang phone ko.

Tumingin sya sakin ng seryoso.
Patay. Nakita nya na siguro ang mga picture nya. Aalis na sana ako ng hawakan nya ako sa braso at biglang niyakap.
(OoO)

'Tatakbuhan mo nanaman ba ako? I know you loved me'

'Lay...'

Sabi ko ng naiiyak. Eh kasi naman eh yakap-yakap ako ng taong mahal ko.

'Shhhh... I love you too, okay? wag ka ng umiyak. Alam mo bang mahal kita matagal na. Simula ng makita kitang nadulas sa may hagdan. Natawa ako kasi ang clumsy mo at ang cute mo. Tutulungan na sana kita pero biglang dumating si Kai at inalalayan ka nya. Akala ko kayo pero hindi naman pala. Gusto sana kitang ligawan pero naduwag ako. Kase ito ang unang pagkakataon na nakaramdan anko ng ganito. Pero ng makita ko ang mga shot ko sa phone mo nabuhayan ako ng loob kasi ang mahal ko stalker ko pala.'

Iyak na ako ng iyak sa lahat ng sinasabi ni Lay. Ang saya saya ko.

'Yannie can you be my girlfriend?'

Bumitaw sya sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko.

'Yes Unicorn ko.'

Ngumiti sya at hinalikan ako.

"I LOVE YOU UNICORN"
"I LOVE YOU TOO JAGIYA"

_____o_____

@xoxocy.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Mr. UnicornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon