Mundo'y ating iiwananMaaari lang sana
Dito na lang tayo
Sa ating tagpuan~
Tahimik akong naglalakad papunta sa park. Tumawag kasi si Lance, sabi niya pumunta daw ako sa tagpuan namin and yun nga yung park. Dun kami lagi nagkikita at nagkkwentuhan. Ang saya nga eh, kahit doon lang.
Nakarating na ako sa park, dahil hindi naman ito kalayuan sa bahay namin. Wala nang gaanong tao. Pagabi na kasi. Naupo muna ako sa swing at pinagmasdan yung langit.
Ang ganda. Ito lagi yung saksi sa pagmamahalan namin ni Lance eh.
6:30pm na. Wala pa rin si Lance. Bilang nalang sa daliri ang mga tao dito. Puro mga couple din. Nakakainggit sila.
Ngayong gabi aking sinta
Sayo ang puso ko at kaluluwa
Pagkat ikaw at ako ay iisa~
Ano kayang sasabihin sakin ni Lance? Parang ang weird lang dahil bigla niya gusto makipagkita.
Bigla namang humangin. Ang lamig. Sign na gumagabi na talaga.
At ang tagal niya dumating. Baka magkasakit ako nito eh. Nagswing nalang ako para hindi ako gaano mainip.
Magkikita tayo muli
Parang batang kinikilig
Di mapakali at nasasabik
Mahawakan kang muli~
Padilim na nang padilim, pero eto pa rin ako umaasang dadating siya. Alam kong hindi ako paasahin ni Lance, mahal niya ako eh. Hindi yun gagawa nang bagay na makakasakit sakin. Alam ko yun.
Mundo'y ating iiwanan
Maaari lang sana
Dito na lang tayo
Sa ating tagpuan~
Asan ka na ba Lance?
Naramdaman ko naman na may yumakap sa akin mula sa likod. Nabuhayan ako.
Sinasabi ko na nga ba at hindi niya ako bibiguin. Alam kong sa kanya ang yakap na ito. Ganto siya yumakap.
"Ren.." Mahina niyang sabi.
"L-Lance.."
"Sorry kung nalate ako. May inasikaso lang saglit." Sabi niya.
"Okay lang. Atleast dumating ka." Lumipat siya sa harap ko at inalalayan ako tumayo.
Nakatitig lang kami sa isa't isa.
"May problema ba Lance?"
Maaari lang sana
Dito na lang tayo
Sa ating tagpuan~
Dahan dahan siyang lumapit sakin para yakapin ako.
Niyakap ko siya pabalik.
Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa yakap na 'to.
Magkikita tayo muli
Parang batang kinikilig
Di mapakali at nasasabik
Mahawakan kang muli~
Lumayo siya ng onti at tinitigan ulit ako.
"Lance ano ba yun?" Kitang kita ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin.
Dahan dahan ulit siyang lumapit para halikan naman ako.
Ramdam kong may mali talaga.
Mundo'y ating iiwanan
Maaari lang sana
Dito na lang tayo
Sa ating tagpuan~
"I'm sorry Ren.."
Hindi ko alam pero unti unting namumuo yung mga luha ko.
Masakit. Kahit sorry pa lang yun.
Maaari lang sana
Dito na lang tayo
Sa ating tagpuan~
"Ayoko na.."
Dito na lang tayo
Sa ating tagpuan~
***
2 oneshot ngayong araw. Whoo. XD :)) okay lang ba? :(Vote. Comment. Share~
Lablab. ❤
-AZ090713 ❤