PROLOGUE

2 0 0
                                    



Naniniwala ba kayo sa mga nilalang na hindi ordinaryo? Sa tuwing sasapit ang dilim, andiyan sila, naglalakad at naglilibot. Hindi lamang tayo ang nakatira sa mundong ito, sapagkat may mga iba pang nilalang na hindi natin nakikita. Marami pa, at marami kang hindi alam. Buksan ang iyong isipan, tumingin sa iyong kapaligiran—malay mo, andiyan lang sila, minamasdan ka.

Minsan, hindi mo alam na ang nakakausap mo ay hindi na pala tao. Hindi halata. Hindi halata, sapagkat wala kang kaalam-alam tungkol sa kanila.

Isang malaking bahay na gawa sa bato, malalapad ang mga bintana, at malalaki ang pintuan nito na gawa sa punong kahoy. Mayroon din itong ikalawang palapag.

Luma na ito, ngunit hindi maipagkakaila ang ganda at dignidad na taglay. Walang tumitira dito, sapagkat abandonado na. Ang mga taong nagmamay-ari nito ay matagal nang patay, at ipinapasa na lamang ang bahay sa bawat henerasyon ng pamilya.

Ngunit sa likod ng magandang bahay na ito, may nagtatagong sekretong katakot-takot. Kaya't marami sa mga tao sa paligid ang ayaw pumasok dito. Sabihin na lang natin na ang mga taga-doon ay alam kung ano ang nangyayari sa pagdapo ng gabi. Sa araw, masisipat ang ganda, ngunit sa gabi, pipiliin mong maghanap ng ibang daan, dahil napapalibutan ito ng isang madilim na aura na kahit ang mga taong may alam sa lihim na karunungan ay pipiliing huwag pakialaman.

Tunghayan ang istoryang ito, dinggin, damhin, at isipin ang mga hindi kapani-paniwalang pangyayari sa loob ng malaking bahay na kilala sa tawag na Casa de Familia.

CASA DE FAMILIA (HOUSE OF FAMILY)Where stories live. Discover now