Chapter 25

102 11 0
                                    

-glad

•SOPHENE•

"Eat plenty of vegetables, remember, buntis ka?" Saad sa'kin ni Manang Linda.

Nandito sya dahil biyernes ngayon at araw din ngayon ng kanyang paglilinis. Nandito kaming dalawa sa kusina, ipinagluto pa nya ako ng makakain ko at ayaw daw nyang tulungan ko sya dahil utos lang daw ito ni Zadeo.

Speaking of Zadeo, maaga s'yang umalis ngayon dahil may pupuntahan na naman sya at naiintindihan ko 'yon, isang mafia ang asawa ko kaya kinakailangan kong intindihin sya palagi sa tuwing may pinupuntahan sya.

"Pero busog na po ako..." Parang batang usal ko pero tinaasan nya ako ng kilay.

"Busog? E dalawang kutsara lang naman nakain mong bigas, tapos hindi mo pa inubos 'tong gulay na niluto ko sa'yo! Kung ako sa'yo, suboan nalang kita. Para ka naman bata d'yan eh! Kailangan mong maging malusog, buntis ka pa naman." Sunod sunod na sambit ni Manang.

Bumuntong hininga ako. "Sige na nga, ako na po. Kakain na po ako," Ani ko at nagsimula ulit kumain.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla nalang ako nabusog e nakadalawang kutsara lang naman ako. Masarap pa naman ang niluto ni Manang ngunit no'ng natikman ko na, bigla nalang akong makaramdam ng pagkapuno.

I wonder if is it included to my pregnancy.

Pinilit ko pa rin ubosin ang aking kinakain dahil panigurado ako na isusumbong ito ni Manang kay Zadeo at baka mapagalitan ako ni Zadeo, concern pa naman sya sa pagbubuntis ko.

"Oh ito, huwag mong kakalimutang inomin 'tong vitamins mo. Bilin sa akin 'to ni Sir, alam mo kung magkano ito?"

"Hindi po eh, magkano po ba?" Tanong ko.

"Five hundred kada isang peraso pero kakaiba si Sir eh, bumili sya ng limang box. Magugulat ka nalang 'pag binilang mo lahat ng halaga nito," saad nya na ikinalaki ng mga mata ko.

Five hundred kada isa? Tapos limang box ang binili ni Zadeo? Parang nagsasayang lang sila ng pera eh haha!

"Ang mahal naman po, pero sige, iinomin ko na." Ani ko at kinuha ang gamot na inabot nya sa'kin at sinimulang inomin ito.

Matapos kong inumin 'yon, nagpaalam na ako kay manang na papasok na ako sa school namin. "Manang, mauna na po ako." Paalam ko at tumango naman sya.

Nagmamadali akong lumabas ng para maabotan ko si Eric, baka kasi nagagalit sya kakahintay sa akin sa labas. Sya rin kasi ang maghahatid sa akin dahil wala naman dito si Zadeo para ihatid ako sa school.

"Huwag ka na nga malungkot d'yan! Alam ko namang miss mo na naman si Zadeo, tama ba ako?" Asar ni Eric.

Napa pout ako. "Anong malungkot ka d'yan, paano mo naman nasabing kupal ka? Ha?!" Taas kilay kong tanong.

"Dini-deny mo pa eh! Mukha mo palang alam ko na nami-miss mo sya. Pumasok ka na nga! Baka ako magalit pa si Zadeo kapag na late ka," matapos nyang sabihin 'yon, agad nya akong sinabihan na pumasok sa kotse.

_____

"Batok, gusto mo?" Kunot noo kong tanong kay Eric.

Kung makatingin kasi sya ay parang inaasar nya ako, ang buong akala nya na mi-miss ko si Zadeo.

Which is totoo naman, haha!

Nakarating na nga pala kami sa school at pinahinto nya ang kotse sa harap ng aming gate, as always.

"Sungit mo ngayon ah! Sige na pumunta ka sa klase n'yo, may lakad pa akong pupuntahan. Huwag ka nang malungkot dahil asawa mo ang susundo sa'yo mamaya," he uttered.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now