4 years later...
Nadine's Point of View:
Pumasok na ako sa resto at nakita si Yassi. Alam na alam niya talaga how to get things off of my mind. Ngayon kasi yung araw na nakipagbreak sa akin si DJ four years ago.
"Nadz, nandito ka na pala. Parating na daw si James. Nag-order na rin ako for the both of you." sabi niya pagkatapos niya akong yakapin at umupo siya ulit.
Si James yung parang superhero ko. Siya yung kasama kong magmove-on. Pero hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Daniel.
"Nadz, Yas. Sorry nalate ako." nakangiting sabi ni James.
Nginitian ko lang siya at kumain na kami. Ganyan naman talaga si James eh, mysteryoso at ang daming lakad.
Habang kumakain, nakita ko si DJ na may kasama. Apat na taon na kaming tapos, pero mahal ko pa rin siya. Nakatalikod yung kasama niyang babae, ang sweet nila.
"Nadz..." sabi ni Yassi. Nakita rin niya si DJ.
Umiling ako, naluluha na. Ngumiti ako. Ngiting puno ng lungkot at sakit. "Okay lang. Wala lang yun."
Pinunasan ko yung luha ko.
"Are you sure? You're crying." nag-aalalang sabi ni James. Hindi niya kilala kung sino yung ex ko. Okay na rin siguro yun, sure akong hindi na niya kailangan pang malaman kung sino.
Tumango ako. "I'm fine. Really."
I'm really not fine. Masakit pa rin pala. Naalala ko yung araw na nakipaghiwalay siya sa akin. Sa rooftop ng school yun, one week bago kami grumaduate ng high school.
Flashback:
Pinunasan ko yung mga luha ko at pinigilan siya sa pag-alis.
"Bakit? May nagawa ba ako? DJ, tell me, gagawan ko ng paraan. Wag mo lang ako ipagpalit sa kanya. Please lang, Daniel..." naiiyak na sabi ko.
Umiling siya. "Nadine... sorry lang talaga. I can't do this anymore."
Umiyak na ako on the spot. "Daniel, please. Sabihin mo lang sa akin. Please. Hindi ko man kilala kung sino ang babaeng umagaw sayo, pero pag-usapan nalang natin 'to."
"Nadine... tama na." sabi niya.
Pinunasan ko yung mga luha ko, pero tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo at pag-iyak ko. "Sino ba siya? Anong meron siya na wala ako? Daniel, mahal na mahal kita. Alam kong mahal ko ako, naguguluhan ka lang, diba? Dahil sa kanya? Daniel, let's work this out."
Umiling siya. "Nadine... hindi. Hindi kita mahal. Siya ang mahal ko."
"Sabihin mo sa akin kung sino siya, Daniel!" iyak ko habang sumisigaw.
Tinignan niya ako. "Gusto mong malaman kung sino siya? KC ang pangalan niya, masaya ka na ba, ah?! Okay na?"
Napaiyak ako lalo. Totoo ngang hindi niya ako mahal. Tuluyan na siyang naagaw sa akin. Kung sino man si KC, humanda siya, kasi oras na tumahan na ako, hindi na ako ang dating Nadine na nakilala ng iba.
"Sorry lang talaga, Nadine. Sana maging masaya ka pa rin pagkatapos ng araw na ito." bulong niya at umalis na.
Kathryn's Point of View:
Napangiti ako nang makita ko yung boyfriend ko. Anniversary namin ngayon. Magaapat na taon na kami. Niyakap ko siya ng malapit na siya.
"Happy 4th anniversary, Kath." nakangiting sabi niya habang nag-aabot ng bulaklak.
Nginitian ko siya. "Happy 4th anniversary, DJ."
Naglakad-lakad pa kami nang may maalala ako. "DJ, magdidinner tayo with the family, right?"
Tumango siya.
Napaisip ako bigla. Sa mga panahon na una niya akong niligawan. Binasted ko siya. 6 months silang nagtagal ng girlfriend niya bago ko sinabi ang totoo. Nawala siya ng matagal. And out of the blue, niligawan niya ako ulit. Hindi ko nga alam kung kelan sila nagsplit eh, basta niligawan niya ako ng 2 months bago ko siya sinagot.
Ayoko naman na manggulo sa kanila ng girlfriend niya eh. Hindi ako ganung klaseng tao. Mahal ko si Daniel, at ipaglalaban ko siya. Pero hindi sa paraan na manggugulo ako sa relasyon niya sa girlfriend niya dati.
Nadine's Point of View:
Naglalakad-lakad lang ako sa mall. Iniwan ko sila Yassi. Gusto ko lang magisip-isip.
Hindi ko namalayan na may nakabangga pala ako.
"Sorry, miss." sabay naming sabi.
Napangiti ako, habang siya naman ay mahinang tumawa.
"Nadine nga pala. Nadz for short." pagpapakilala ko.
Ngumiti siya. "Kathryn. But call me Kath."
BINABASA MO ANG
Broken Pieces
FanfictionDid you ever think that maybe the perfect person for you might not be as perfect as the perfect person you thought was perfectly perfect for you like the perfect person for you? Nadine Lustre. Kathryn Bernardo. Daniel Padilla. James Reid. Four peopl...