FFHA - 12

748 36 17
                                    

Author: Hello! Madaming nag re-request na mag update ako. So eto na :)

This chapter is dedicated to @calamansii isa ka sa active readers :) hello sayo.

***

CHAPTER 12

-------------

SABRINA LOUISE

Nandito kami ngayon sa condo ko. Ako, si Veejay, si Gem at si Ranz. Ginawa nilang tambayan yong condo ko. Si Veejay kasi dito pa nag u-upload ng pictures namin dun sa Batangas. Ang bagal daw kasi ng internet nila dahil nandun yung mga pinsan niya. Loka talaga to! Pwede naman sa ibang araw, eh nandun mga pinsan niya. Baliw talaga!

"Oo nga pala, Sab!" Sigaw sa akin ni Gem kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Kinakamusta ka ni Vella! She said that she missed you so much!" Sabi niya sa akin. Awe! I missed Vella! Kamusta na kaya yun?

"V-vella? M-magkakilala kayo?" Biglang sumingit sa usapan namin si ranz kaya napatingin kami sa kanya. Nakakunot yung noo niya na parang naguguluhan.

"Oo, Ranz. Bakit? Magkakilala din kayo?" Sabi ko sabay tingin kay Gem. "Uy! Kamusta na si Vella? Sobrang miss ko na rin siya! Pasabi!"

"Oo.. Siya.... Siya yung kababata ko....." Sabi ni Ranz ng mahina.

Kababata?

May nakwento sa akin dati si Vella na may kababata daw siya. She can't remeber who's that guy. Kasi nagkaroon siya ng slight amnesia.

"K-kababata? I-ikaw yung boy na tinutukoy niya sa akin d-dati?" Tanong ko kay Ranz. Siya? Siya yung kababata ni Vella? Seryoso?

"Oo... Ako nga yun. Ako yung kababata niya..." Sabi ni Ranz.

I can't believe this...

"A-ahh okay.." Ayun lang ang nasabi ko.

Tumayo si Ranz, "Sige. Uwi na ako." At tsaka niya kami niyakap na tatlo sabay labas ng condo unit ko.

Hala. Anyare dun? O___O

"Anyare dun sa singkit na yun? Aish! Bipolar! >___<" Sabi naman ni Veejay. Nagkibit balikat na lang kami ni Gem.

"Alam niyo ba na kababata ni Ranz si Vella?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Uhm.. Oo," Sabay nilang sabi sa akin.

"Uuwi na siya bukas. Sunduin daw natin." Sabi ni Gem. Tumango na lang ako sa sinabi niya.

Magkababata sina Ranz at Vella.

Posible kayang...... Si Vella ang nagugustuhan ni Ranz na babae ngayon?

**********

"Uy! Ayun si Vella oh! VELLAAAAAAA!" Sigaw nung dalawa. Hindi ako nakisigaw kasi hindi ko naman makita. Nung medyo malapit na yung girl dun ko lang siya nakilala. Si Vella nga!

"OMG SISTERS!!! I MISSED YOU GUYS!" Sigaw sa amin ni Vella at tsaka kami nag group hug na apat.

Siya si Vella. Nagkakilala kami noon sa isang mall show ng Chicser. Nagkabungguan kami at naging magkaibigan kami that day. Nalaman ko rin yung kwento niya, yung sa kababata niya. Ang tagal niyang hinahanap yung kababata niya pero si Ranz lang pala..

Falling For Him Again (A Ranz Kyle Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon