Ganito ba ako Katanga???

36 3 0
                                    

Nung naging tayo

Hindi ako naging sakit sa ulo

Nung makita kitang may kasamang iba

Wala kang narinig kahit anung salita

Nung magtanong ka kung mahal pa ba kita

Tango lang ang tanging nagawa.

 

Sabi mo noo'y aalis ka

Mag-iinuman kasama ang barkada

Ngunit sa suot mong slacks at Kurbata

Naka gel at may rosas pa

Yan ba ang sabi mong mag-iinuman??.

 

Marahil natatawa ka

Sa 'twing nakakalusot ka

At tanging naiisip na

Ganito ba ako katangga

Para paniwalaan ka pa?.

 

Masakit man ay pinalaya ka

Dahil malabo ng maging masaya

Ngayong may mahal ka nang iba

Malabo nang ibalik ang dati pa.

 

Alam mo ba na ang panyong bigay mo sakin

Para pampunas sa luha ko noon

Ay gamit ko para pampunas ng luha ko ngayon

Ganito ba ako katangga??

Para ika'y iyakan pa?.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ganito ba ako Katanga???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon