18

41 2 0
                                    

-'✮´-

°°°°

Pinagkaguluhan nila si Adamson nang mapansin nila itong nakapulupot sa akin. Nag s-set up pa naman sila Daei sa mga instrument kaya medyo kumalma ang crowd.

Humiwalay saglit sakin ang binata para makipag shakehands sa circle ko. I reached the red cap that he was wearing pagkatapos isinoot ko sa ulo ko.

Inaya pa nila itong uminom sa condo nga ni Cruz, pagkatapos nila Daei tumogtog. Adamson nodded kaya mukhang mapapasabak na naman ako sa digmaan.

"I saw Leon, outside the campus." Bulong ni Adamson sakin nang makabalik siya sa likod ko.

Nang maligaw ang tingin ko kay Seldo ay masama ang tingin sakin na ipinukol. Kaya sinamaan ko din siya. Tama nga ang hinala ko, may sama pa din ang loob nito sakin.

"They're cool off."

Tumango lang siya. Tinignan ko si Rex, he was chatting with Cruz and Seldo. Mukhang walang balak pumasok si Leon dahil ayaw daw no'n sa maiingay.

But then crap! May upcoming game iyon ngayong oktubre! Muntik ko ng makalimutan kung hindi lang binuksan ni Adamson ang topic tungkol doon.

Hindi rin kami nagtagal sa condo ni Cruz dahil gusto niyang masolo ako at makapag-date naman daw kami. Kaya kahit na ayaw pa kaming pauwiin ni Cruz, wala na rin siyang nagawa dahil sinabi ko na ang dahilan na mag d-date kami ng nobyo ko.

They agree with it. Pero may kapalit nga lang, isang case ng san mig para makawala kami.

I'm checking my capture shots earlier, sobrang astig talaga ni Daei. Parang sanay na sanay na ang gago mag perform. And he sang very well! The banda also, sobrang halimaw tumogtog.

Hindi ko tuloy mapigilang isearch ang kinanta ng kaibigan. It's an international song. Why don't we 'yong banda.

"Bakit. . .hindi kayo manonood?"

Naibaba ko ang selpon na hawak. We are here at the 7-eleven. Nasa labas kami pumwesto at kaharap na ang mga umuusok na ramen. May soju din sa gilid ni Adamson. Sa akin kape naman ang nasa gilid ko, except sa mineral water na pangtulak namin.

"H-hindi ako sure. . .alam mo namang hindi magkaayos iyong dalawa diba?"

Kumunot ang noo ni Adamson. Okay gets, sobrang immature ang dating no'n.

Sumubo ako ng ramen. It's so freaking hot kaya napainom agad ako ng tubig. Mukhang pumupurol na ako sa maaanghang, ha?

Nagtangka pang tumayo si Adamson para bumili ulit ng panibagong ramen noodles pero pinigilan ko. I can handle this. Talagang tanga lang din dahil sinubo ko ng hindi hinihipan.

"Ang immature pakinggan, by. Kung magkaaway iyong dalawa, hindi kana din pupunta?" Napaawang ang labi ko. Ang cute niyang magtampo!

He drank his soju. Iyon ang ginawa niyang pangtulak kaya napailing ako sa kanya. Pagkatapos namin kumain sa 7-eleven, dumiretso kami ng hill top. Sa kanya itong ideya kaya may kumikiliti sa tiyan ko.

Mula no'ng naging kami talaga, masasabi kong ito yata ang matagal-tagal naming date. Naupo lang kami sa folding chair pareho, (hindi ko alam kung saan niya nirentahan) but the important thing is we're both enjoying the view of City lights.

Nag-send ng video sa gc si Cruz.

Napahalakhak ako sa mukha ni Seldo dahil sumusuka na sa inidoro ang gago. Ipinakita ko rin kay Adamson at tawang-tawa din ang isa.

Past 2a.m na kami nakauwi sa condo niya. Naipit din kami sa baba dahil bumili pa siya ng grocery para mamayang umaga. Actually kanina sana kami bibili kaya lang nawala sa isip ni Adamson.

Around Your Way (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon