Chapter 6

2.1K 102 65
                                    

Hazel

I'm not done though.

Kakapasok ko pa lang sa sumundong sasakyan, kaagad na akong nagtipa ng mensahe para sa napakabait kong tutor. I was smiling widely but the way my fingers tap on the keyboard while composing a message says otherwise. Kung pwedi lang magreklamo ang cellphone ko, baka humagulgol na sa pag-iyak.

Ako:

So, that's your friend Greg, huh? Reena's right. Mukhang wasabe. But at least you're not totally a loner, right? Haha

I gritted my teeth when I noticed the misspelled word. Muli akong nagtipa dahil baka isipin niyang sobrang bobo ko na naman. Tss. Bawal ba magkamali? Bawal?

Ako:

*wasabi

I stared at my cellphone as if waiting for a miracle but as expected, Rael Villarin didn't reply. Napairap ako at halos itapon sa loob ng bag ang cellphone. Humalukipkip ako at pabagsak na sumandal sa backrest ng upuan. I saw how Kuya Ramil glanced at me through the rear view mirror. Umayos ako ng upo at tumanaw na lang sa labas ng bintana.

"Benj, umuwi mommy mo ngayon..." Kuya Ramil informed me carefully.

Tumango ako pero wala akong sinabi. I remained watching the moving view outside. Bigla'y parang nawalan ako ng ganang umuwi. Kaya napabuntong-hininga na lang ako nang hindi nagtagal ay nakitang pumasok na ang sasakyan sa mataas na gate ng aming bahay.

"Benj, why are you late? It's already dark..." Kabababa ko lang sa sasakyan ay sinalubong na ako ni Mommy. She looked worried and a bit irritated but when I crouched to kiss her cheek, her irritation disappeared. Napalitan ito ng munting galak. I wanted to smile but I couldn't. Lalo na't sa ayos niya ngayon, mukhang hindi siya magtatagal dito sa bahay.

"Kumain lang po sa labas kasama ang mga kaibigan..." Mataman kong sinabi at nauna nang maglakad papasok sa bahay. I felt my mother's footsteps, following me.

"Kaibigan? Sino?"

I poked the inside of my cheek using my tongue. Look at that. She doesn't even know who my friends are. I doubt she knows anything about me. Baka kapag nagtagal pa, kahit spelling ng pangalan ko makalimutan na niya.

"Sina Diego, My..." I drawled lazily. "Birthday raw ng anak niyang si Monic. Yong pusa niya. Eh inaanak ko 'yon... Kaya invited ako." I told her a bit of our inside joke in my circle.

"What? Lasing ka ba Benj?" She accused me. Halatang hindi nakuha ang sinabi ko.

Natawa ako. Hinubad ko ang bag ko at inilapag na sa sofa. Naupo ako at tamad na naghubad ng sapatos. Namaywang naman si Mommy sa harap ko na para bang lasing ako at kailangan ko ng sermon niya.

"Benj, I told you to stop drinking already!" She lamented. Ang mga kasambahay ay napapatingin na sa amin.

I rolled my eyes. "Hindi ako lasing. O nakainom. Chill, My. Did you just come home to scold me?"

Tila roon palang siya natauhan. She suddenly looked guilty. Lalo na't natanaw ko ang ilang kasambahay na nagbababa ng ilang maleta sa hagdan. I gritted my teeth and closed my eyes for a bit. She sighed heavily as if this was also so hard for her.

Gusto kong matawa. No, this isn't hard for her. This is the easiest. Kaya nga ay palagi niyang ginagawa, e.

"I'm having a business trip—"

I chuckled at that. Dumilat ako at tumango. "Where?"

"Singapore."

I nodded again. "With..?" I probed innocently. Hindi siya nakasagot. Ngumiti ako para ipakita sa kanyang ayos lang. "With your friend. Right?"

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon