Queen Leigh Hernandez POV
Nasa Rooftop Ako ngayon ng West Campus. Hapon narin at tahimik ko na Pinag mamasdan Ang nag sisiuwian na mga Estudyante Mula sa ibaba ng Rooftop kung saan Ako nakatanaw. Marahan Kong ibinuga Ang Usok ng Sigarilyo Mula sa aking bibig at pagkatapos ay dismayadong tumingin sa kalangitan.
"So, How's the West Campus, Sweetheart?".
Bahagya akong napangite bago marahang Humarap sa Lalaking iyun Mula sa aking likuran. He's wearing a doctor suit at idagdag mo pa Ang kaniyang Glasses na bagay na bagay sa kaniyang pustura.
"Looking good, huh?". I grinned slightly. "Dr Kylix Fox Lovereigh, Hmff.. Bagay na bagay".
"Really?". Animoy bahagya siyang nahiya bago matamis na ngumite. "Pero mas bagay Tayo, hehehe..". He chuckled.
Kaagad Akong bumusangot bago kalaunay mahinang natawa. He's always acting like that since we were kids. Nasanay nalang marahil ako sa Ugali ni Kuya Kylix.
"Nasaan Ang mga Kasama mo?". Kaagad na tanong niya bago Lumapit sa akin at Iniabot Ang Hawak na Kape. "Haist! Ang Sabi ko Kay Deiwelle wag Kang papabayaang mag-isa e".
Huminga Ako ng malalim bago Muling Lumingon sa Marahang papalubog na araw sa langit. Muli Akong humithit ng yosi at pagkatapos ay Muling ibinuga Ang Usok na siyang Sumabay sa daloy ng hangin.
"How many times do I have to tell you that I can handle myself?". Malamig na Saad ko. Muli Akong Bumuga ng Usok sa kawalan. "Hindi ko kailangan ng proteksyon ng sino man".
"I heard about what happened sa Fashion show ni Oscar". Naging matunog Ang pag Buntong hininga ni Kylix na seryosong Nakatingin sa akin. "Leigh, Muntikan mo na siyang mapatay! Iyun ba ang ibig Sabihin mo ng kaya mo na Ang Sarili mo, huh, Leigh?".
Batid Kong si Yuri Han Ang kaniyang tinutukoy.
"Pero Hindi ko Naman itinuloy, Hindi ba?". Walang emosyon na anas ko.
"Hindi mo itinuloy kasi inawat ka ni Rykie, but what if Rykie wasn't there, Leigh? Sigurado akong itutuloy mo iyon, 'di ba? Maybe you wouldn't have even hesitated to do it". Batid Kong sinisikap niyang maging malumanay sa mga sandaling ito, Subalit bakas parin Ang Inis dulot ng labis na pag-aalala sa Boses ni Kylix.
Binigyan ko siya ng Isang seryoso at malamig na tingin. Mga tingin na mismong sasagot sa Sarili niyang katanungan.
"L-Leigh..".
"Even death is not enough for that woman. Even Hell would be terrified if I myself were the one to bring her from there". Nanlilisik sa Galit na asik ko.
***
Kylix Fox Lovereigh POV
Mariin akong Lumunok habang inaalala Ang naging paguusap Namin ni Leigh kanina sa Rooftop. Seeing my younger sister like that makes me feel a mix of emotions. It makes me feel a deep sense of empathy, as I can't bear to see her in pain. Napakalayo na niya sa Queen Leigh na Una Kong nakilala at lalong lalo na sa batang Cyrine na masayahin at palangite.
Tuloy ay Hindi ko mapigilang makaramdam ng Galit sa aking Sarili. Nagagalit Ako dahil Masiyado akong mahina bilang Kuya niya. Hindi ko manlang siya nagawang protektahan noon. Ngayon Naman ay Hindi ko manlang magawa na Pasayahin siya kahit na Anong pilit Kong Gawin iyun knowing that I couldn't do anything to ease her pain.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)
Ficção Adolescente"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Hernandez/Cyrine Fox Lovereigh "Lying is part of our life. the more you lie the less you feel the pain...