XXVI - Think About Us

332 3 2
                                    

Dedicated to ciaossu :)

XXVI – Think About Us

Author’s POV

Kinagabihan, hindi makatulog si Hyacinth.

“Mahal rin kita.”

Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ni Hyacinth ang eksenang iyon kanina. Ang pagbigkas ni Xander na mga salitang iyon sa kanya. Kahit na walang boses binanggit sa kanya iyon, hindi siya nagkakamali. Hinding-hindi siya puwedeng magkamali. Malinaw na malinaw. Mahal rin siya ni Xander. Mahal rin siya ng taong mahal niya. Mygasss!

Automatic na lang siyang napapangiti ng di niya namamalayan. Ano kayang mangyayari kinabukasan? Manliligaw na kaya sa kanya si Xander? O.o Napabatok na lang rin siya sa kanyang sarili sa thought niyang iyon. Pucha. May girlfriend nga pala yung tao -_________- So pano na?

Anebey. Kung ang asawa nga, naaagaw eh, boyfriend pa kaya? Gosh!Sinabunutan na lang niya ang sarili.

CONFIRMED.

Baliw na ang bida natin.

Paikot-ikot pa sa kama ang peg ng bida natin ng biglang tumunog ang phone niya at tuluyan na siyang nahulog sa kama ng makita niyang tumatawag si Xander sa kanya.

Nakahiga na siya sa sahig at tulalang nakatingin sa phone na patuloy pa ring nag-riring. Actually, she already missed 10 calls from Xander. Kung bakit ba naman kasi tumatawag sa kanya ang soon-to-be labidabs niya?? Assumera na naman ho siya -.-

Nagdecide naman siyang sagutin ang tawag kapag naka-20 na ito, di ko alam kung anong drama ni Hyacinth -.= Ngayon ay nasa 19th call na at isa na lang, 20th na! Pero matapos ang 19th ay hindi na muling tumawag ito. Dali-dali namang tumayo si Hyacinth at nagpasyang tatalon sa bintana at magpapakadeds. Chos! Imagination lang niya yun. Uhm, nagdecide na siyang siya na ang tumawag sa lalaki.

“Hello?”

“What do you think you’re doing? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?”

“Wow. Sir Chief ang dating? Masungit dre?”

“Hyacinth, please.” Halatang inis na ito dahil sa tono ng boses.

“Sige na. Sorry na! Ano? Ba’t ka ba tumatawag?”

“Wala tayong pasok bukas di ba? Tapos the day after tomorrow, weekends naman.”

“And so?”

“Bukas. 8am sa park. Magpaalam ka sa inyo na aalis ka at sa Monday na babalik.”

O.o

Anudaw?!  

“H-hoy! Bakit?? Ano’ng meron??”

MOVING CLOSER by EuniceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon