Chapter 10

59 5 2
                                    

Sinubukan ko na suyuin ang asawa ko pero ayaw niya talaga akong harapin. Nagresign na din daw ito sa trabaho sabi ni Ate Ploy. Wala din naman akong makuha na impormasyon sa mga Byanan ko. Kahit nga ang mga anak ko ayaw sabihin sa akin kung kumusta na ang Mommy nila.

Magdadalawang buwan nang wala akong balita kay Gyo. Ang hipag ko naman. Iniupa ni Ate Lada ng unit. Si Ate Lada ang nag aasikaso dito at si Dra. LingLing naman ang OB nito. Hindi ko pinupuntahan ang Hipag ko. Sabi ni Gyo ay panagutan ko daw ang kapatid niya. Hindi ko magagawa iyon dahil wala naman akong nararamdaman sa kapatid niya. Pero handa naman akong panagutan ang bata kung talagang akin nga iyon. Pagkapanganak ni Ate Tan ay sinabihan ko na agad sina Ate Lada at Ling na ipa DNA ang baby. Kailangan ko din naman kasi na makasigurado.

Nandito na naman ako ngayon sa school ng mga anak ko. Umaasa kasi ako lagi na matataymingan ko na si Gyo ang susundo sa mga bata pero bigo na naman ako. Nilapitan ko ang mga anak ko at ang Daddy ng Asawa ko.

"Hi, kids!" Bati ko sa dalawa na lumapit at humalik naman pareho sa pisngi ko. "Dad." Bati ko naman sa byanan ko.

Tinanguan lang naman ako nito.

"Dad, how's my wife?" Ito ang halos paulit-ulit kong tanong sa Ama ni Gyoza sa tuwinang magkikita kami.

"Nao, just like my always answer to you, I don't know. And please stop asking me about my daughter because I don't have anything to say to you. So if you'll excuse us. We need to go now. Let's go kids." Iyon lang at isinakay na nga nito sa sasakyan ang mga anak ko at umalis na.

Maaari nga na walang sinasabi si Gyo sa Dad niya sa kung ano talaga ang nangyari sa amin pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na makakatunog ang byanan ko na may mali. At hindi ko ito masisisi kung nagiging cold na ang treatment nito sa akin.

Sumakay na din ako sa kotse ko at sinundan ko ang sasakyan ng byanan ko. Pumarada ako sa tapat ng bahay ng mga Wiwatkul. Sa tapat mismo ng kwarto na ginagamit ni Gyoza dito noon. Nakatingin ako sa nakasaradong bintana. Umaasa ako na may hahawi ng kurtina niyon at magbubukas ng bintana at saka dudungaw doon ang babaeng pinakamamahal ko. Pero gaya ng dati gumabi na at lahat ay wala namang nangyari. Ni wala ngang nagbuhay man lang ng ilaw doon. Nang patayin na ang lahat ng ilaw sa bahay ng mga Wiwatkul ay doon lamang ako nakaisip na umalis na. Past 10pm na noon.

.
.

Kinabukasan kahit wala pa akong gasinong tulog ay pumunta ako sa bahay ng mga magulang ko. Magtatanong kasi ako kay Papa kung posible ba na malaman ko kung lumabas ba ng bansa ang asawa ko at kung oo ay kung saan itong bansa nagpunta. Balak ko na sundan ito kahit saan mang panig ng mundo. Magmamakaawa ako na balikan na ako nito.

Good thing at may kakilala na mataas na tao si Papa sa airport. Within the day ay nalaman ko agad na umalis nga si Gyo ng bansa at mahigit na daw na isang buwan mula ng lumipad ito patungong Thailand. Nang araw ding iyon ay nagbook ako ng flight papuntang Thailand at bukas na ng umaga ang alis ko. Makikita ko na ulit ang Asawa ko. Sana lang ay sa bahay ng mga ito sa Bangkok ito tumutuloy.

.
.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano sa Suvarnabhumi Airport ay sumakay na agad ako sa taxi at nagpahatid sa Address ng bahay ng Ama ni Gyo dito pero ayon sa napagtanungan ko doon sa bahay ay ilang araw lang daw na tumigil doon si Gyo at matagal na daw mula ng umalis ito doon at hindi naman daw nagsabi kung saan pupunta. Agad akong tumawag sa Pilipinas at muli akong nakiusap kina Papa na kung maaari ay itanong nito sa kakilala nito sa airport kung pwede na makipag communicate ang mga ito sa airport ng Thailand para malaman kung saan ulit nagpunta si Gyo. Pwede naman daw pero ilang araw pa daw bago malaman ang result. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang magbook na muna ng hotel habang naghihintay.

Pagkalipas ng tatlong araw ay mayroong tumawag sa akin na taga airport ng Thailand. Ang sabi nito ay sa Macau daw nagpunta si Gyo kaya naman doon na din sa taong iyon ako nagpabook ng ticket papunta sa sinabi nito na pinuntahan daw ng asawa ko. Noong araw din na iyon ay nakalipad ako patungong Macau. Medyo nakakaramdam na ako ng pagod sa paghahanap sa asawa ko lalo at hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap. Kahit hindi gaanong kalakihan ang Macau ay tiyak na mahihirapan pa din ako lalo at wala naman akong eksaktong lugar na paghahanapan sa asawa ko. Sa huli ay nag search na lang ako ng magaling na PI at nakipag appointment ako agad. Sabi ko ay magkita kami sa airport at sinabi ko ang estimated time ng dating ko.

.​
.
.

Gyoza's pov

Ilang araw pagkatapos kong umalis sa bahay namin ni Manao ay nagtungo ako sa Thailand, dahil punta ng punta si Manao sa bahay nina Daddy at ayaw ko mang aminin sa sarili ko ay natetemp talaga ako naharapin ito at sumama na ulit dito at makipag ayos, pero naiisip ko si Ate Tan. Kaya lumayo na lang ako. Hindi din naman ako nagtagal sa bahay namin sa Thailand dahil kilala ko ang asawa ko. Sigurado ako na masusundan ako niyon dito. Kaya naman pumunta ako ng Macau. Malabo na maisip ni Manao na magpupunta ako doon dahil alam naman nito na wala akong pupuntahan doon. Atsaka kaya lang naman ako doon napadpad ay dahil ng magpunta ako sa Airport para maghanap ng pwede kung lipatan na bansa ay naagaw ang paningin ko ng salitang Macau dahil unang basa ko doon ay Manao. Hay! 😩

Pero saglit lang din naman ako doon at umuwi din ako ng Pilipinas ng mabalitaan ko na inihatid na ng bayaw ko ang kapatid ko sa maynila. Nasa katabing resort lang ako ng pag aari nina Nao dito sa Baler tumutuloy. Ito ang kakumpitensyang resort ng resort nina Nao. Dati ay pag aari ito ng pamilya nina Daddy pero naibenta na niya ito sa kaibigan niya. Walang nakakaalam na nandito ako.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makikipagtaguan sa Asawa ko. Siguro hanggang sa magsawa na ito sa paghahanap sa akin.

how could you say you love me! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon