CHAPTER 1

4 1 1
                                    


"Hoy Alyanna, sure ka bang nasa tamang daan tayo?" malakas na tanong ni Eya.

"Talk to my hand... char, yes, Eya, tama 'to, I'm sure," sagot naman nito.

"Sure ka?! Para kasing iba yung daan na 'to, Aly eh," sagot ni Eya.

"Malamang. Kailan ba tayo huling pumunta dito? Noong 5 years old pa, ilang taon na nga tayo ulit? 20 na. Malamang, nagbago na 'to," sagot ni Alyanna sa pinsan niya.

Hayyy, ang lapit-lapit nilang dalawa, pero kung maka-sigaw, akala mo'y magkaibang bukod.

Nga pala, magbabakasyon pala kami ngayon sa vacation house daw nina Eya at Aly, I mean ng family nila. Maganda daw kasi doon, talagang probinsya na probinsya.

"Tama na nga, Yan! Ate Aly, ate Eya, ang iingay niyo! Kung mag-focus na lang kaya tayo, malayo pa ba tayo, kuya Adam?" tanong ni Katlyn.

"Yes, if you're hungry or sleepy, just take a nap or eat, Kat. May mga pagkain naman d'yan, we brought them baka kasi gutumin kayo," sagot ni Adam, hayyy, too serious.

"Wews, boy scout laging handa, Adam ah," asar ni Kai.

"Shut up, Kai..." iritang sagot ni Adam. Tinawanan na lamang siya ng mga kasama naming lalaki.

"Hoy Rae, nawalan ka na ba ng boses? Kanina kapa d'yan tahimik ah," tanong ni Shantel. Napatingin naman sa akin si Adam gamit ang salamin ng sasakyan niya. Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Oo nga, Rae-Rae, kanina kapa tahimik d'yan. Masama ba pakiramdam mo? May gamot ako dito," tanong naman ni Cedric. Halos lahat sila nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako, sabay sabing...

"I'm fine, guys. It's just that I'm not comfortable," sagot ko, kasi yun naman talaga ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. I don't know what's happening, it's my instinct.

"Ha! Saan naman, Rae?" tanong ni Jai.

"Baka naninibago ka lang sa paligid, Rae," dagdag pa ni Blake.

"Siguro, baka naninibago lang ako. Hahaha! Wag niyo na lang ako pansinin, mawawala din naman 'to," nakangiting sagot ko. Kaya naginhawaan naman sila.

"Sure ka, Rae, babe? Na okay ka lang talaga?" tanong ni Eya.

"Yes, Eya, I'm fine. Don't worry," sagot ko naman.

Pagkatapos nun, agad naman silang bumalik sa mga ginagawa nila-nagkukuwentuhan, kumakanta, kumakain, at nagpapahinga. Habang ako naman, andito pa rin, hindi pa rin mapakali. I don't know, something is wrong or something might happen. Hayyy, baka nga siguro naninibago lang ako. Hinayaan ko na lamang. Tumingin sa harap, nakita ko pa ang pag-iwas ng tingin ng pinsan ni Eya at Aly.

Btw, if you guys are wondering, sampo kami ngayon sa van na kulay black. Sasakyan ito ni Adam. Sinamahan niya kami papunta sa vacation house nila kasi hindi papayagan ang dalawa pag walang kasamang lalaki. Buti na lang, sinamahan sila kaya natuloy. Ako naman sumama kasi gusto ko ng tahimik na buhay for a while and to be with them.

Btw, the guy who's driving is Adam, pinsan ni Aly at Eya. Limang babae at limang lalaki, sampo kami lahat. Buti na nga lang malaki daw yung vacation house nila, may 2nd floor.

"I think, gagabihin tayo ng dating doon," sabi ni Adam.

"Ang layo siguro ng vacation house niyo noh, magagabihan pa tayo," sagot naman ni Cedric.

"Yes, malayo talaga 'yon. But don't worry, we'll try to arrive there ng maaga. Mabilis lang naman 'to kasi hindi madami yung mga sasakyan dito," sagot ni Adam.

"Kumpleto ba 'dun, Adam? Yung mga gamit pangluto at pangtulog?" tanong naman ni Jai.

"Hindi. That's why we brought some, and for one week of food supplies. While yung higaan okay naman, may caretaker doon," sagot ni Adam. Tango na lang ang isinagot nila.

"Rae, you look sleepy. Matulog ka muna," nagulat ako sa sinabi niya kaya tumango na lamang ako, sabay sabi...

"Opo, kuya."

Napansin kung umasim yung mukha niya. Did I do something wrong? Nag-iwan na lamang ako ng tingin at naidlip. Hindi lang idlip, kasi nakatulog talaga ako.

Naalimpungatan ako ng biglang kumakalabit sa balikat ko. Ayoko pa sana bumangon ng bigla, kung maaalala ko na baka andito na kami. At hindi nga ako nagkamali. Pag gising ko, wala na sila at mga gamit namin. Kaya napatingin na lamang ako sa kumalabit sa akin, si Kuya Adam pala.

"Kanina pa sila nakapasok sa loob, gabi na din. 7:30 na tayo nakarating," sabi nito kaya agad ko naman tinignan phone ko. Pagtingin ko, pasado alas otso na ng gabi.

"7:30 and it's 8:10 na. It means... hinintay mo ako magising?" Tinignan naman ako nito sabay tango.

"Yes, I don't want to wake you up. Gigisingin ka sana nila kaso hindi ako pumayag. Halatang pagod ka. Ngayon lang kita ginising kasi 8 na, maghahanda pa tayo," sagot ni Adam.

"I'm sorry, kuya. I'm so sorry for bothering you," hingi ko ng pasensya.

"It's fine, pero may kapalit," sagot ni Adam.

"Ahm, a-ano po?"

"Stop calling me kuya and po, understood? No more buts." Tango na lamang ang isinagot ko.

"Good. Now get up at papasok na tayo," agad naman ako tumayo at lumabas kasunod niya dahil wala naman yung mga gamit ko.

Paglabas ko, agad naman akong nakaramdam ng panglalamig. Ibang lamig na hindi ko maintindihan. Kaya napalinga-linga muna ako sa paligid. Dilim na lamang ang nakikita ko, pero parang may kakaiba sa paligid ng bahay.

"Anong tinitignan mo?"

CASA DE FAMILIA (HOUSE OF FAMILY)Where stories live. Discover now