KABANATA 17
Nagmamadaling lumabas ng silid si Sandra. Palinga-linga siya habang pababa sa maluwag na hagdan ng mansyon.
Nakatulog si Sandra kagabi na wala man lang balita kung anong nangyari kay Estefan pagkatapos sumama sa mga pulis.
She was on her way to the dining room since she heard Dalia's voice. Subalit napahinto si Sandra at agad na nagtago sa likod ng pinto. Naulinigan niya rin ang boses ng iba pang mga babaeng Salamanca, kasama ang mga sariling esposo.
"Si Estefan na mismo ang humingi ng sandaling pagliban sa pagiging alkalde hanggang sa matapos ito. Hindi ko siya masisisi. Nagsisimula nang kumalat sa taong-bayan ang pagdududa sa kanya. His reputation was already tainted even before he won. Ngayo'y, muling nasa peligro ang pagkasira ng kanyang pangalan."
"The town is starting to doubt the credibility of the Vallerosos. Maraming intriga man ang hinarap noon ni Lolo Aris at Papa, hindi umabot sa ganitong paninira. Mamamatay-tao? Si Estefan? Kung totoo iyon ay siya sana ang unang nagpahamak sa 'kin at hindi na ang mga dati kong kaibigan!"
"Archelaus, huminahon ka."
"Paano? Lahat ng kasalanan ay ibinabato na nila sa kapatid ko. Gayong no'ng kamamatay pa lang ni Uriah, napilitan siyang magluksa sa loob ng kulungan!"
Mas napasiksik si Sandra sa pinagtataguan. Kailan nakulong si Estefan? Paanong walang nagbanggit sa kanya kahit isang beses?
"Umupo ka, Arc. Walang magagawa ang pagsigaw mo," narinig niyang kalmadong saway ni Dalia. "This is a frame-up, that's clear. He's being ruined by the Honradez, that's clearer. Pinagsabihan na natin si Estefan noong maaaring may traydor sa mga malalapit sa kanya."
Tumahip nang malakas ang dibdib ni Sandra, kasabay ng panlalambot ng mga tuhod. Natakpan niya ang bibig upang hindi makalikha ng ingay.
"Hindi pinansin ni Estefan ang babala natin sa kanya." Si Archimedes na marahil ang nagsasalita, sapagkat mas kontrolado ang emosyon nito kaysa kay Arc.
Matagal na nanahimik ang lahat. Iniisip na ni Sandra kung lalabas na sa pinagtataguan, subalit ang mga sumunod niyang narinig ang lalong nagkumbinsi sa kanyang huwag na munang magpakita sa mga ito.
"He's focused on her. Estefan's priority is Lyssandra." Vier softly broke the silence. "Nais niyang bantayang maiigi si Xandi. She was grieving differently, he said. Way differently that if Estefan would not take her under his care, Xandi would fall down a deeper and darker pit.
"Hindi na mapatawad ni Estefan ang sarili niyang wala siyang nagawa upang pigilan ang pagkamatay ni Uriah. Hindi siya papayag hanggang kay Xandi, wala rin siyang magawa. We all know by now, Estefan is the only one who can understand the phase of grief that she's going through."
Tahimik siyang napakapit sa kung saan—basta't may mahawakan.
"Kung gayon ba, posibleng napapabayaan ni Estefan ang sarili niyang seguridad para sa seguridad ni Lyssandra?" marahang tanong ni Olya.
"Ganoon na nga ang lumalabas," matapang na sagot ni Dalia. "Dahil kung maingat lang si Estefan, hindi sana siya nakakuha ng tauhang nasusuhulan. Sanay na sanay ba ang Honradez na sinasaktan ang mga sarili nila? That doctor is getting into my nerves! Hindi pa sapat at idinimay pa kayo, Vier! Forcing you and Arc to take an indefinite leave from the hospital?
"Kung si Arc, maiintindihan ko pa kung ayaw na siyang pagamutin doon. Ngunit ikaw, Vier? Ikaw na pinakamagaling sa lahat?!"
"Damara, nawawala ka na sa punto ng usapang ito," saway ni Lass sa kapatid.
Sandra heard Dalia smacking the table hard and loud.
"The Honradez are doing this on purpose! At dahil sa pagiging abala ni Estefan na asikasuhin si Xandi, ang imbestigasyon, at ang pagiging alkalde, nakakalimutan niya nang alalahanin ang sarili! Paano kung tama ang hinala nating maliban sa tauhang kayang masuhulan, may iba pang traydor na malapit sa kanya?"
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spiritual4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.