Content warning: Mention of suicide.
Kindly read at your discretion.
***
KABANATA 18
"Hindi ko alam kung anong eksaktong balak niyo ng mga Honradez. Ang natitiyak ko lamang noong tumawag ka sa 'kin at ipahayag ang detalye ng pagbisita mo sa kanila, nagsimula akong magkakutob nang nabanggit mong natakot ka at agad na umalis. Bagaman naniniwala akong natakot ka, umaga kang nagtungo sa kanila at halos padilim na nang umuwi. Ang ibig sabihin, nanatili ka pa roon nang mas matagal."
Napakurap-kurap si Sandra kay Estefan. Magkatapat na sila ngayong nakaupo sa hapag. Estefan made hot coffee as the rain outside kept pouring that one cold morning.
"P-Paano mong nalaman ang detalyeng 'yon?" mahina niyang tanong. Mahinahon na ang kanyang kalooban, subalit nanatili ang katamlayan. Humalo na rin ang kahihiyan sa mga napagtantong kasalanan sa kaibigan.
Napatikhim ito pagkatapos humigop ng kape. Nakatitig muna ito roon bago muling sinalubong ang mga mata niya.
"Kumuha kami ni Tiyo Laurencio ng lihim na magbabantay sa 'yo."
"A-Ano? K-Kayo ni Papa?" Namilog na ang kanyang mga mata. "Bakit... May nagbabantay sa 'kin? Nang lihim?"
Wala man lang siyang napansin o naramdaman! Kung sabagay, bihira na lang lumabas si Sandra mula nang mamatay si Uriah at hindi pa siya makabalik sa dating kabuhayan. Sa tuwing nasa labas din, hindi niya gaanong napapansin ang mga tao sa paligid, maliban na lang doon sa mga sadyang nagpaparinig sa kanya.
Napasandal siya sa kinauupuan habang naghihintay kay Estefan na dugtungan na lang ang ibinunyag nito.
That's why he knew about her act... And tolerated it for the sake of her grieving soul's misplaced anger.
Estefan Valleroso has already been one step ahead of her. It was foolish of her to even think she could outdone him.
"Nag-aalala kami ng iyong ama para sa 'yo, Sandra," marahang paliwanag nito. "Ayaw ka naming pigilang lumabas at pumunta sa kung saan mo man maibigan. Maliban sa kalayaan mo iyon, kahit papaano ay umaasa kaming sa tuwing lumalabas ka, saglit mong naaaliw ang iyong sarili mula sa kalungkutan."
Napalunok siya.
"Gayunpaman..." Bumuntong-hininga ito. "Gayunpaman, hindi kami laging sigurado na pag-iingatan mo ang iyong sarili o hindi ka muling... Hindi mo susubukan muling... Muling..."
Tila nahihirapan itong dugtungan ang sasabihin at bumaling muli sa kape.
"Muling ano, Estefan?" pagtataka niya.
"Muling..." Gumalaw ang lalamunan nito at tumikhim na para bang nagko-kontrol ng emosyon. "Subukan muling magpatiwakal..."
"A-Ako?" Tinuro niya pa ang sarili. "S-Sinubukan kong..." Nakagat niya ang ibabang labi at saka napailing. "Kailan nangyari iyon? Wala akong maalala."
Tumingin na ulit ito nang deretso sa kanya. Lumalamlam ang mga mata nito, at nabanaag niya ang munting takot na tila ba nasaksihan mismo nito ang bagay na hindi mahalungkat ni Sandra sa kahit malabong alaala.
"Tulala ka at hindi makausap ng ilang linggo pagkamatay ni Uriah. The very last time we heard you talk was during his burial. After that, you were non-responsive. It was a week of pure silence on your part. Kung hindi ka natutulog, tulala ka habang gising. Hindi umiiyak. Hindi nagsasalita. Walang nakikita... You don't eat or even use the toilet. Your physical health was declining, as well. Kung magpapatuloy na ganoon, maaari ka ring mawala sa 'min...
BINABASA MO ANG
Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)
Spirituale4th Book of Valleroso Series. Gaios Estefan Valleroso.