Kabanata 19

2.6K 215 45
                                    

KABANATA 19

Sigurado si Sandra na sa pag-amin niya sa mga kamag-anak kinabukasan, makakatikim na siya ng tiyak na galit o panlalamig mula sa mga ito.

    She wouldn't hope that they would give her grace as Estefan did.

    Kaya't pagkatapos ng pagsasalaysay niya't panghihingi ng tawad, una niyang napansin ang paniningkit ng mga mata ni Dalia at ang pagtatagis ng mga bagang nito.

    Lihim siyang napangiwi. Hinanda na niya ang sarili upang makatanggap ng sakit sa katawan.

    "Paano mong nagawa iyon, Xandi?" tila nanlulumong tanong ni Lass.

    "N-Nanghihingi ako ng tawad. Nasa kalagitnaan na 'ko nang mapagtanto kong niloloko lamang nila ako at mali akong pagbuntunan ng galit si Estefan..."

    "Hindi lang si Estefan ang ilalagay mo sa pahamak!" bulyaw ni Dalia. "Maging ang buong kamag-anakan natin!"

    Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. Pumikit lang nang mariin si Sandra nang tumayo si Dalia at handa na siyang sugurin habang umuusok ang magkabilang tainga.

    She was waiting for a hard slap or a blow on the face or be pulled by the hair... Subalit wala siyang naramdaman na kahit ano.

    Sa pagdilat niya, nasa harap na pala niya si Estefan! Hinarang nito ang sarili at hindi makalapit sa kanya ang nanggagalaiting pinsan.

    "Hindi kailangang masaktan ni Sandra, Dalia. Tumigil at nagsisisi na siya. She's on our side now," pagtatanggol pa sa kanya ng binata.

    "Dito sa lupain ay may karampatang parusa ang ginawa niya," matigas na pahayag ni Dalia.

    Matangkad si Estefan kaya't ang malapad at tuwid na likod lang nito ang nakikita niya. Kailangan niyang umusod nang bahagya upang silipin si Dalia.

    Namumula na ang buong mukha at leeg nito—bumabakat pa ang ugat roon. Pinipigilan lang ito ng sariling esposo sa baywang.

    Dinuro ni Dalia si Estefan. "Tatabi ka o ikaw ang tatanggap ng parusa?"

    Hinawakan niya ang braso ng binata. "Estefan, hayaan mong maparusahan ako. Alintuntunin iyon sa buong Hacienda Salamanca."

    "Punish me on her behalf then!" Estefan dared Dalia, keeping Sandra safe behind him.

    Namilog ang kanyang mga mata. "Estefan..."

    Lumulubog na siya sa utang na loob dito.

    Kagabi nang umamin siya sa kanyang ama, kasama niya pa rin si Estefan. Bagaman inulan siya ng dalawang oras na sermon, walang patid din ang pakiusap ng binata sa kanyang ama na huminahon at huwag siyang sasaktan.

    "Dalia, baka maaaring huwag na lamang magpataw ng kahit anong sakit sa katawan para kay Sandra," pakiusap ni Olya.

    Napatingin siya rito ngunit iniwas nito ang paningin sa kanya at kumapit sa esposo.

    Ang mga kapatid ni Estefan, tahimik at nakatutok sa kanya-kanyang nagdadalang-tao na mga asawa. Kung ayaw rin siyang tingnan ng mga ito dulot ng sama ng loob, tanggap niya.

    "Tama si Olya, Damara," Cypress finally spoke in a low but steady tone. "Inamin na ni Xandi ang lahat ng pagkakamali. Walang napahamak sa pamilya at ngayong nalinawagan na siya'y magiging kampante tayong hindi na siya uulit pa. At kung pinagbigyan siya ni Estefan na siyang direktang biktima, bakit hindi tayo?"

    "Hindi ako si Estefan!" matalim na sagot ni Dalia sa esposo. "Magpapatawad ako, subalit may kaparusahan ang mga kasalanan."

    "Again, give the punishment to me," patuloy na pag-ako ni Estefan. "If that's the rule here, then I respect it. But I would take it instead of her. She'd been through a lot of pain, I wouldn't let anything add on to that."

Pagkatapos Ng Lahat (Valleroso #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon